Maxene's POV.
Days passed, mas lalo pa kami naging close, si Hanie literal na maingay, si Ariane dakilang hugotera, si Chrish ang dakilang takot sa mga teachers, si Clair naman ayon, mukhang di gagawa ng kalokohan pero mukha lang hindi, Jerieme is a mystery, si Criziel is a kpop fan and also a memer, kung di niyo alam wala akong pakialam, si Rachelle naman is a tiktok master, selfie monster and also a epic collector, epic naming magkakaibigan. Iba iba sila ng trip.
Pero isa lang yung pagkakapareha sobrang ang babait nila, masaya kasama sobraaaaaa.
"Anong oras na matatapos na yung recess, nandito pa din tayo, aalis ba tayo o iiwanan ko kayo?" sabi ni chrish na para bang nag mamadali dahil, malamang sa malamang ay naghihintay ang kanyang kasintahan sa baba ng aming building.
"Yan, dyan naman kayo magaling ang mang iwan, basta ko, alam ko kung gano kasakit yun kaya di ko kayo iiwan." bigkas naman ni Ariane na para bang may pinag huhugutan.
"Akala mo naman talaga may paghuhugutan ka Ariane, may gusto ka ba?" wika ni Jerieme habang inaayos ang kayang salamin sa mata.
"Pano kung meron? pano kung para sa kanya nga yun?" sabi naman ni Ariane at pinandidilatan si Jerieme.
"Aba, aba, sino ang napupusuan ng yanyan namin?" biglang singit ni Hanie, yanyan ang nickname ni Ariane.
"you don't have to know." sabi niya sabay tumaray ng kunwari.
"Halaaaaa baka mamaya nandun na si Joseph" sabi ni Chrish. Halata naman na kinakabahan na siya dahil kung siya ay mahuhuli siguradong magtatalo nanaman sila sa oras ng recess.
"Mauna ka na Chrish kami na gagawa ng Activity natin." sabi ni Clair at isinuot nanaman ang earphone niya at nag type na muli sa laptop niya.
"Iniisip ko kung magkaka love life ba si Clair ng ganyan ang postura." sabi ni Chrish bago umalis ng Computer Lab.
"So guys, sama kayo sa tiktok ko." wika ni Rachelle na para bang excited na excited.
"Kung mag titiktok kayo, pwede ba wag kayo sa tabi ko. Di ko matapos yung activity natin." sabi naman ni Clair, na para bang naiingayan sa boses nila Rachelle.
"Dun nalang muna kayo sa gilid, alam nyo naman si Clair eh." sabi ko habang tinatap ang likod ni Clair.
ARIANE'S POV.
Ngayon lang ako nagkaron ng ganitong kabog ng dibdib sa lalaking di ko lubos kilala, And yes, classmate namin siya. ayokong sabihin muna sa mga kaibigan kasi alam mo naman, impossibleng hindi makarating sa dapat karatingan.
"ano nanamang iniisip mo yanyan?" sabi ni Jerieme na sumira sa guniguni at iniisip ko tungkol kay ano.
"Wala ka nang pake dun." sabi ko at nag flip ng hair na para bang inaasar si Jerieme.
"sige, bahala ka dyan kaya mo yan." sabi niya at nagkalikot nanaman sa cellphone niya.
"malalaman mo rin soon." sabi ko at ngumiti sa kanya.
YOU ARE READING
I'm his all kind of 'almost'.
RomanceLoving a 'boy' while waiting for him to be a 'guy' is really a hard fight. I will hold on until I can. He was my priority, but I am his what?