Maxene's POV.
"What are the evidence of Continental Drift Theory?" tanong ng Adviser namin,
Kinakabahan akong mag taas ng kamay kahit pa alam ko yung sagot sa nasabing tanong,
"Yes Ms. Mendoza?" Tawag sakin ng adviser namin dahil nga nag taas na ko ng kamay.
"Jigsaw puzzle, Glossopteris, and Coil deposits?" Patanong na sagot ko sa adviser ko.
"Correct. Ang Continental Theory na prinopose ni Alfred Wegener...." hindi ko na naintindihan pa ang mga sumunod na sinabi ng adviser namin, dahil nakahinga na din ako ng maluwag dahil tama yung nasabi kong sagot.
Tumingin sakin yung mga kaklase ko, ano pa bang ini expect ko? Ganito naman talaga yung mga eksena pag nasa first weeks ng school year, I just can't hide my passion when it comes to Science.
Plinaplano ko palang ayusin tong year na to, since I've dropped my last year. Sinabihan na din ako ng papa ko na I should finish this year na ng maayos, kung balak kong mag doktor.
Maya maya pa ay dumating na yung oras ng Recess since walang bell dito ay bumaba ako mag isa,
"Gusto mong sumabay samin mag recess?" Tanong ng isang babaeng kaklase ko.
"Ah, no thanks I can manage." Sabi ko naman although nasanay lang akong mag english. Mangangapa muna ako ng ugali nila, bago makipagkilala sa kanila.
"Ah... sige." Sabi naman at umalis.
Tumango nalang ako at bumaba ako mag-isa.
Napili kong bumili nalang ng inumin dahil wala din akong ganang kumain, di ako sanay ng walang kasabay,
After a couple of minutes, natapos na yung recess at umakyat na ko sa taas, we are located at third floor, kaya mas umakyat ako ng mas maaga.
"Hi, ako nga pala si Hanie, Hanie Dela Paz." Sabi nung babae nag aya sakin bumaba kanina, seat mate ko siya, parehas kaming nasa unahan.
"Ah okay." Sabi ko at akmang tatalikod na sana kaso bigla siyang nagsalita ulit.
"Ikaw si?" Sabi niya, as much as I want to avoid this, I can't.
"Max." Sabi ko at ngumiti.
Hey guys, let me introduce myself.
I'm Maxene Louis Mendoza, 16, currently, nag-aaral ako sa De Guzman's University, and this is the end of my Junior high.
YOU ARE READING
I'm his all kind of 'almost'.
RomanceLoving a 'boy' while waiting for him to be a 'guy' is really a hard fight. I will hold on until I can. He was my priority, but I am his what?