MISSION #1

17 0 2
                                    

DYSELLE's POV


Love... Love... Love


Hayy.. pano ko ba sisimulan 'tong story na 'to kung wala naman akong alam sa love? Hindi ko naman 'to pwedeng hindi gawin dahil ito ang request ng readers ko.


Wahh!! Nakakainis! Ano ba kaseng meron sa love? Bakit gusto nilang lagyan ko ng romance ang mga sinusulat ko?!!


"Ang lalim yata ng iniisip mo ah." - meet Rylle, childhood best friend ko. At ang tanging taong nakakaalam na isa akong novelist.


" Rylle, do you know anything about love?" tanong ko sa kanya. 


Nag- isip siya sandali bago sumagot. "Hmm.. bakit mo naman natanong? Hindi ka naman iteresado sa mga ganyang klase ng bagay ah." kunot noo niyang tanong


"Gusto kase ng readers ko na magkaroon ng romance ang mga sinusulat ko eh.  Ang kaso, hindi ko alam kung pano ako magsusulat, e wala naman akong alam dun" busangot kong sagot.


"You're right. Kailangan mo munang malaman ang feeling ng in love bago ka makapagsulat ng isang magandang love story," kumento niya.


Kailangan kong ma-in love? Ang feeling ng in love?



"TAMA! Kung ganon, gagawin ko yan!" confident kong sabi


"Ang alin? Ang ma-in love? Dyselle, alam mo bang hindi pinipilit ang ganyang klaseng bagay?"


"Why?! Kailangan ko lang namang humanap ng partner. After that, kailangan naming gawin yung mga typical love scenes para malaman ko yung pakiramdam ng in love! And I'm done!" ngiti kong sagot


"Love scenes?"


"Yes. Like holding hands, hugging.. things like that"


"At sino naman ang pipiliin mong maging partner?" cross arms niyang tanong


"Hindi pa ako nakakapili dahil kailangan ko  ng model na magmamatch sa character na pino- portray ko"


"Ako na lang ang gawin mong partner para hindi ka na maghanap" sagot niya. I looked at him. Gwapo naman si Rylle kaya lang, I think, he will not fit the character.  


"Nah. Hindi bagay sayo yung character. Maybe I'll find someone out there" ngiti kong sagot tsaka umalis para bumalik sa classroom ko. Hindi kami classmates ni Rylle dahil nasa senior high school na siya, while ako naman ay 4th year palang.


Pagpasok ko ng classroom, naghanap ako ng pwedeng maging model ko para sa character na gagawin ko. 



Lahat ng tao dito walang uniqueness na pwedeng maging strength ng character ko. Tsk


"Good morning class." bati ng adviser namin


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MISSION OF LOVEWhere stories live. Discover now