Chapter 1

6 1 0
                                    

"Oy oy wala pa ba tayong pambili ng pagkain? Nagugutom na po ako kanina pa tayo naglalakad dito."

Tanong iyan ng kapatid kong si Bato. Tama naman ang sabi nya na kanina pa kami palaboy-laboy dito sa daan papasok ng simbahan para magbenta ng sampaguita.

"Konting tiis lang Bato may bibili din sa atin ng sampaguita, pag may bumili sa atin ay ibibili kita ng dalawang pandesal, di ba paborito mo yon?"

Pang-aamo ko sa kanya kahit na pati ako ay nawawalan na ng pag-asa na may bumili sa amin dahil maski isang tingin ay di kami binibigyan ng mga nagdadaan at kung minsan pa nga ay naitutulak pa kami.

"Opo paborito ko nga iyon lalo na yung mainit-init pa, pampatanggal ng lamig natin sa katawan. Pati ikaw bumili ka din ng iyo siguradong magugustuhan mo iyon."

"Aba syempre naman bibili din ako ng akin noh. Lakasan mo ang boses mo para marinig ka nila at bumili sila sa atin, bilis."

Isang tango lang ang ibinigay nya sa akin kasama ang isang matamis na ngiti at nagsimula nang magbenta ng sampaguita sa mga dumadaan. Di kalaunan ay himalang may bumili sa amin at pinakyaw nya lahat ng aming paninda kaya naman tuwang tuwa na binigay sa akin ni Bato ang pera pambili namin ng pandesal sa panaderya malapit lamang dito.

"Hoy Pusa ibigay mo nga samin yang pinagbentahan nyo, bilis" sabi ng isang boses mula sa aming harapan.

"Bakit namin ito ibibigay sayo eh pinaghirapan namin ng kapatid ko ito?"

Itinago ko si Bato sa likod ko dahil paniguradong mananakit na naman itong si Kulas. Mas matanda siya sa amin kaya malakas ang loob nyang manguha ng pera sa mga batang kasamahan din namin sa pagtitinda.

"Aba hindi mo ibibigay ha, mukhang gusto mo na naman matikman itong kamao ko dyan sa mukha mo."

"WAG! Wag nyo na siyang saktan, oh eto ibibigay ko na sa inyo ang pinagbilan namin basta wag nyo na kaming guluhin."

"Ano ba Bato? Bakit mo binigay ang pinagbilan natin, mananagot na naman tayo kay Master nito eh."

"Pasensya na ayaw ko lang kasing makitang sinasaktan ka ng mayabang na Kulas na yon eh"

Nang gabing iyon ay sa labas kami pinatulog ni Master dahil wala daw kaming naibigay na pera sa kanya at sila Kulas pa ang inutusan nyang dalhin kami sa labas kahit na gaano kalamig ang panahon.

"Bato bakit parang namumutla ka? Nako Bato nanlalamig ka na!"

Nang kapain ko ang noo nang aking kapatid ay napakataas ng kanyang lagnat, marahil ay dahil ito sa lamig at dahil nga wala pa kaming kinakain simula kahapon.

"Pusa nakakakita ako ng maraming nakaputing tao sa langit."

"Bato wag mo kong tinatakot ng ganyan, hindi totoo ang white lady"

"Tanga ka pala talaga minsan noh *ubo* *ubo* syempre hindi white lady ang nakikita ko k-kundi mga may pakpak na nilalang *ubo* *ubo*"

"Bato naman wag ka nang magsalita ng ganyan di ba nga ay kakain pa tayo ng madaming pandesal at titira pa tayo sa isang malaking bahay?" Sabi ko sa aking kapatid habang umiiyak at tinitingnan ang kanyang mata na unti-unti nang lumalamlam.

"Pasensya na Pusa pero mukhang hindi ko na kaya *ubo* pang tumagal *ubo* dito, ikaw na la- *ubo* lamang ang magpatuloy ng ating pangaraaaap....."

Matapos nyang sabihin ang mga katagang iyon ay unti-unti nang pumikit ang kanyang mga mata at bumagal na nang bumagala ng kanyang paghinga hanggang sa ito'y tumigil na.

Ngayong gabi ay iniwan na ako ng aking kapatid.......

Wala na si Bato.

Nang magrehistro ito sa aking utak ay walang humpay sa pagtulo ang aking luha na kala mo ay nagkakarera sa aking mukha, kasabay ng aking pag-iyak ay pagsigaw ko sa langit ng pangalan ni Bato habang yakap yakap ko ang kanyang malamig na katawan. Wala na ang aking kapatid, iniwan na nya ako sa marahas na mundong ito at sumama na sa mga nakaputing tao na may pakpak.

~€~€~€~€~€~€~

Nang nakita kong malapit nang mag-umaga ay ipinasan ko ang malamig na katawan ng aking kapatid sa aking likod at dinala ito sa ilog na malapit lamang sa bahay na pinamumugaran ng mga ulilang bata na gaya namin ni Bato. Sa may ilog na iyon huli akong nagpaalam kay bato at ipinaanod ang kanyang katawan sakay ng isang balsa na nakita ko sa may tabi-tabi at sa pagtangay ng tubig sa kanyang katawan ay ipinangako ko na tutparin ko ang pangarap namin ni Bato at aalis ako dito sa puder ni Master sa oras na maka-ipon ako ng sapat na halaga upang makasakay ng jeep.

"Huwag kang mag-alala Bato hinding hindi kita makakalimutan at makaka-asa kang tutuparin ko ang pangarap nating dalawa magiging mayaman ako at hahanapin ko ang pamilya natin kung saan kinuha tayo nila Master." Yan ang huling katagang binitawan ko kasabay ng pag-alis ko sa may tabi ng ilog upang ipagpatuloy ang aking gawain at matupad ko ang pangako ko kay Bato.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving In A DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon