CHAPTER two :D

110 3 0
                                    

[Rose POV]

Maingat kong inilabas ang ulo ko mula sa likod ng halamanan na pinagtataguan ko ngayon. -.-'

Nagtataka siguro kayo kung bakit ko ginagawa to ngayon at kung bakit nagtatago ako sa likod ng halamanan di ba?

Ganito kasi yan, plano ko kasing mag-ninja papasok sa school. Kasi ayokong mahanap at makita ako nung lalaking na-wrong tag

ko sa status ko!

At bago pa ko makatapak sa gate ng school namin, may nakita akong daan

Daang babae na puro mga nakataas ang kilay at parang ready ng mangalbo!

Lahat sila mukhang hinahanap ako, at check! Tama nga ang hinala ko sa direksyon ko na sila nakatingin ngayon. O.o

Teka bakit?! Aaaahhhh!! Ngapala nalaman nila yung pinost ko?! T_T takte Rose ang tanga mo talaga. Waaaahhhh! Kaya pala parang ayaw kong

Pumasok ngayon. Tsss kakahiya yung ginawa ko. :3 sigurado akong lagot ako sa mga babaeng ito ngayon.

Akala nila inagaw ko sa kanila si Buenavista! Ang prinsipe nila. At tama kayo ng narinig, crush na crush nila yung lalaking yun na naka-tag sa status ko.

at panigurado akong ma-bubully nanaman ako neto! T^T bakit kasi patay na patay sila sa lalaking yun? Ano bang meron dun?! Tsss. -.-

*~F.L.A.S.H.B.A.C.K~*

"Alam niyo na ba yung bali-balita?"

"Ha? Alin dun sis?"

"Yung status ni Delos Reyes sa twitter kahapon!"

"Oh, ano namang meron dun sa status niya?"

"Naka-tag si Prince Buenavista at ang sabi pa ni Delos Reyes mahal niya daw si Buenavista natin?!! >___<"

Nakikinig lang ako dito sa likod ng pinto malapit sa kanila at obvious naman

Na ako at ang aking status lang naman tungkol dun kay Buenavista ang pinag-uusapan nila. Tss! Patay!! Yari talaga ako sa mga ito pag nakita nila ako. -____-"

"HUUUUUUWWAAAAAATTT?!!!!" pasigaw na sabi nung tatlo.

Buti nalang at nakapagtakip agad ako ng tenga ko. Jusko! Pano ko to malalagpasan. :3

Pero bago pa man ako makaalis sa kinatatayuan ko, narinig ko nalang ang sinabi nung isang babae.

"Hindi tayo papayag na maging sila ni Prince Buenavista natin! We should teach that girl a lesson!!"

At tuluyan nakong umalis dun sa likod ng pinto at nagmadaling pumunta sa room.

*~E.N.D.O.F.T.H.E.F.L.A.S.H.B.A.C.K~*

Tumakbo na agad ako papunta sa kabilang gate para dun makapasok.

Pag pumasok kasi ako dun sa unang gate, baka nasampal at nabully nako ng mga yun! MyGoooood! Ayoko pa ma-DEAD. T^T

Buti nalang nakarating agad ako dito at okay na din kasi mukhang hindi naman sila nakasunod sakin, alam ko kasing susundan nila ako at hindi titigil hangga't hindi nila ko naaaway at nabubully.

Pesteng status tag yan, pati buhay ko nadadamay dahil lang sa maling tag nagkakaganon na sila sakin. Waaahhhh! Pano pa kaya kung hindi yun aksidente?! (T^T)

"Waahhh! Salamat lord, ligtas pa ko! Akala ko masusundan nila ko at aawayin nila ako."

"Are you crazy?"

Kulang nalang lumuwa yung puso ko palabas sa katawan ko sa sobrang gulat ng may biglang nagsalita.

At sa paglingon ko sa likod ko,nakita ko yung taong naging dahilan kung bakit ganito ako ka-weird este nakataranta ngayon sa harapan niya. Si Buenavista!

"A-anong ginagawa mo dito?!" Bigla kong turo sa kanya at humakbang palayo sa kanya.

"Sa tingin mo, anong ginagawa ko dito?!" Sabi niya sabay nag-cross arms siya at tinaasan ako ng kilay. "Nakalimutan mo na ba yung atraso ay mali pala..nakalimutan mo na ba yung kasalanang ginawa mo sakin?!"

Aba't nag-smirk pa ang gagong to' kala mo kung sinong gwapo. FYI! Mas pogi kaya yung crush ko na si Buenavista kesa sayo mayabang na Buenavista!

"Oh. Tapos? Sa tingin mo matatakot mo ko ha!? For your information nagkamali lang ako ng pagkakatag sayo. At hindi ko yun sinasadya nuh! Kapal mo naman!" Matigas kong sabi sa kanya.

Lumapit siya sakin at ako naman itong si tanga ay umatras palayo sa kanya.

At sa pagkakaatras ko sa kanya,nakalimutan kong ding-ding na pala ang likod ko kaya napasandal nako dun. Iniangat naman niya ang dalawang braso niya para makulong ako dun tsaka muli ma siyang nagsalita ulit sakin.

"So your saying na makapal mukha ko?" Ngiting sabi niya sakin habang nakatingin sa mga mukha ko.

Hindi ako makapagsalita sa kanya. Grabeee! Ganito ba siya?! Tss. Parang mangangain ng tao kung makakulong sakin dine eh! At muli nanaman siyang nag-salita.

"Prove to me that you really love me or lets just say, prove to me that you like me Delos Reyes?"

Nanatili parin akong ganon sa kanya, bakit parang nag-iba ang ihip ng hangin sa lalaking to! Jusmee! Bakit ang seryoso niyang sabihin yun, eh aksidente lang naman nga sabi. Tss..sabi na at nag-aassume agad! Ay ano ka ba Rose?! Daldal pa more sige lang! >:D

"Ha? Eh...sinabi ko na nga di ba na wrong tag lang yun nangyari, hindi ko sinasadya na ma...."

Hindi na niya pinatapos ang sinabi ko at ninakawan ako ng halik pero saglit lang yun I mean smack kiss lang! OMG! Ba't ang init ng pisngi ko! Waaahhh. Hindi pwede Rose, Waahhh! First kiss ko tuloy to'ng lalaking hindi ko pa naman gaanong kaclose! Huhu. Dapat si Buenavista yung first kiss ko eh, dapat si Crush yun gumawa nito sakin eh! T^T

Nabigla ako sa ginawa niya at tumungo nalang ako sa sobrang hiya! Mapula na yata to'ng mukha ko, kainis sana hindi niya makita.

Inangat niya ang mukha ko tsaka bumulong sakin.

"I know. But you'll prove it whether you like it or not. Don't dare cheat on me or else your dead Delos Reyes." Sabi niya sabay alis sa harapan ko.

Ako naman nakatanga parin at hindi maipalinawag ang mga nangyayari ngayon. Haaayy! Ano ba yung sinasabi nung Buenavista nayun. Tsk! Patunayan ko na may gusto ako sa kanya, na mahal ko siya? Yaina siya!

HINDING-HINDI ako ma-iinlove sa lalaking yun. Lalo na't iniinis niya na ko! Magsawa siya, hindi siya yung gusto ko at hindi siya si Buenavista na crush at mahal ko! >___<

MY STATUS TAG RELATIONSHIP!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon