BURNING KISSES (haelanreb08)
CARLA POV
At the age of sixteen narasan ko magtrabaho sa club na ito bilang waitress wala akong choice kailangan ko ng trabaho kaya naman nang alukin ako ni Lyndsay na sumama sa kanya at magtrabaho sa isang club sa Maynila bilang waitress ay sinubukan ko na, halos tatlong buwan na din kase kami ni Carlo dito sa lungsod paubos na ang baon naming pera na mula sa pinagbentahan namin ng lupa at kailangan ko pa ng pera para sa chemotherapy nya. Mahigit isang buwan na ako sa trabaho at natutustusan naman nito ang pangangailang naming magkapatid. Ulila na kami maliit palang si Carlo ng mamatay ang aming ama si Ina naman noong isang taon lang namatay dahil sa kumplekasyon sa baga. Napakasimple lang ng buhay namin sa probinsya may maliit kaming lupa na pinagkukunan namin ng kabuhayan pero hindi ito sapat para sa pagpapagamot ni Carlo na diagnose syang may leukemia at malaki-laking halaga ang kailangan ko para sa pagpapagamot niya, kaya kahit labag sa loob ko pikit-mata kong ibenenta ang lupa at lumuwas kami ng Maynila kahit walang kasiguraduhan kung saan at ano ang mangyayari samin dito.Nasa isang sulok ako ng Club at nakaupo kung saan kami nakatambay habang walang customer nakita ko si Lyndsay na kumaway sakin nakatable na sya noon pero sandali lang ito siguro wala pang sampong minuto na kausap nya ang nag table sa kanya ay tumayo na siya at lumapit sakin.
''Halika at ipapakilala kita sa kausap ko may sasabihin sya sayong importante, promise hindi ka magsisisi."
Si Lyndsay na parang excited pa sa excited na hinila ako papunta sa table nila nagpadala na lang ako sa kanya at umupo kami pareho sa isang table habang ang lalaki ay nakatingin sakin hindi ito katulad ng iba naming customer na halos ilang bulate na lang ang kailangan pumirma at yayaon na. Bata pa ito na sa tingin ko ay nasa thirty pa lang ang edad at mukhang hindi ito basta basta dahil napakapormal pa ng suot na damit nito. nakangiti ito sakin at ginantihan ko din ng matamis na ngiti, si Lyndsay na ang kumuha ng ladies drink ko kinawayan ang waiterss na kasama ko sa duty pero sinaway ko sya.
Hindi ba ako mapapagalitan hindi naman ako nagtatable Lynd! baka magalit si manager sakin.
''Hindi yun magagalit akong bahala! My Carla, kailangan mo kase marinig ang proposal ni Sir, baka sakaling interesado ka.''
Pero-- ba-baka..
Tutol ko pa rin pero pinalakad na ni Lyndsay ang waitress ako naman nanahimik na sabagay dalawa naman kaming nakatable na kaya naman hindi ko na rin pinigilan pa tumahimik na lang ako at nakinig sa pagbibida ni Lyndsay.
''Oh! yan na eto na sya Sir, sya yung sinasabi ko sayo na mas ok kesa sakin! di hamak na mas malaki ang antas ng ganda nyan sakin, kita mo naman hindi yan nagtatable waitress lang talaga sya dito pinilit ko lang yan para naman mas makausap mo ng mabuti.''
Mahabang salaysayin ni Lynd. Habang yung lalake tumango lang sya at ngumiti uli sakin, may kinuha sya na kung ano sa wallet nya at iniaabot sakin, kinuha ko naman yun calling card nya. Tapos nagsalita sya.
-"As you can see that is my calling card naghahanap kase ako ng magtratrabaho sa Boss ko, actually it's very confidential kaya naman sana if papayag ka gusto ko sana sa office tayo mag-usap regarding what my Boss' Job offer."
"Sure! dadating sya!"
Si Lyndsay lang ang sumagot sa tanong nung lalake na ang nakalagay na pangalan sa calling card ay Angelo Ruiz-Cruz' tinignan ko lang si Lynd kase hindi ko pa alam ang isasagot.
''Good to hear that well ladies I have to go now! and I will expect you tomorrow Miss-''
Carla- Sir Angelo. Carla.
''Well! Miss Carla nice to meet you.''
Tumayo na sya pero inilapag nya sa table namin yung pera na pang bayad nya, sandaling sandali lang kami nag-usap parang ang bilis naman ata ni-hindi pa nga nailalapag ang drinks ko eh, pero wala na kaming magawa ni Lyndsay dere-deretso na rin kase yung Mr. Ruiz-Cruz na yun, dumating na yung drinks ko pinabalik na lang ni Lyndsay pero bayad na yun hindi naman kulang yung iniwan nya na pera sobra-sobra pa nga kaya yung sukli pinaghati-hatian naming tatlo yung waitress ako at si Lyndsay. Lumipas ang buong magdamag ng duty ko na ang iniisip ko ay yung trabahong iaalok sakin medyo naguguluhan din ako at natatakot kase hindi ko naman kilala yung lalaking yun bakit ba parang ang bilis ko ata pumayag, bahala na bukas. Medyo nabusy na din kami ni Lyndsay dahil dumami na ang customer sa Club kaya naman nung uwian na lang kami nakapag-usap.
''Hey! My Carla! ano kanina ka pa tahimik sa club pa lang tahimik ka na hanggang ngayon ba naman na pauwi na tayo.''
Naglalakad na kami pauwi sa amin mag-aalas kwatro na ng madaling araw kaya naman bukod sa sobrang antok na kami puyat at pagod pa ang nararamdam namin pareho kaya naman ang bagal namin sa paglalakad.
Alam mo Lynd' Hindi ko alam if pupuntahan ko yung office na sinasabi ng lalaking yun eh! baka mamaya rapen lang tayo nun?!
''Ano kaba naman Carla Mysty wag ka ngang nega'biruin mo pag-natanggap ka sa trabahong iyon hindi mo na kailang magpaka-puyat sa Club gabi-gabi at may matino ka nang trabaho pag nagkataon, at higit sa lahat maipagpapatuloy mo pa ang pagpapa chemotherapy ni Carlo sa mas magandang hospital, Di ba! Kaya wag kang nega ok! sasamahan kita mamaya pagpunta mo dun.''
Sige pero,pwede ba dumaan na muna tayo kay Carlo.
''Syempre naman. pero bilisan na natin ang lakad ng makauwi na tayo at makatulog na grabe na antok ko eh! pwede ba My Carla.''
Ngumiti na lang ako bilang sagot kay Lynd, Kung ano man ang mangyayari mamaya bahala na.

BINABASA MO ANG
Burning Kisses
RomancePara sa kapatid na may sakit sumugal si Carla Mysty sa Manila para magtrabaho at mapagamot ito, But she was only sixteen kaya nahihirapan siya maghanap ng mapagtratrabahuan at mapagkakakitaan hangang sa matagpuan niya ang isang kaibigan at ipinasok...