CARLA POV
This is it! ito na nasa harapan na ako ng building na nakalagay dito sa calling card ni Mr. Angelo. Kanina habang paalis pa lang ako sa boarding house nagdadalawang isip ako kung pupunta ako o hindi, medyo kinakabahan kase ako eh! wala man lang kase sinabi yung Mr. Ruiz-Cruz na yun kung anong klaseng trabaho ang ipapagawa sakin, wala man lang kahit pahapyaw na paliwanag man lang, pero nang pasyalan ko si Carlo sa ospital at nakita ko ang kalagayan nya naisip ko na kailangan kong tanggapin ang trabaho na yun kahit ano pang klaseng trabaho yun kung makakatulong ng malaki samin lalo na sa pagpapagamot nya. Kaya eto na ko at nasa lobby ng building at nagbabalak na umakyat sa pinakamataas na palapag ng building nakakalula ang taas nito parang abot na sa langit ang taas, tinanong agad ako nung receptionist na nasa lobby kung saan ang lakad ko at kung sino ang sadya ko.
Ah! kay Mr. Angelo Ruiz-Cruz po Ma'm
"Do you have an appointment with Mr. Angelo Ruiz-Cruz?"
Ah! hindi ko alam eh, pinapupunta nya ako dito may job offer daw po para sakin.
Sandali syang parang nalito at biglang pagtaas ng isa nyang kilay at tinitigan nya ako mula ulo hangang paa kaya medyo naasiwa ako, di naman masama ang suot ko nakasemi- pormal naman ako, red dress na lagpas ng kunti sa hita ko medyo nakalaylay ang semi- sleve at humapit sa katawan ko kase kay Lynd ang suot ko slim sya samantalan ako medyo malaman at sya ang pumili ng susuotin ko kanina bago ako umalis gumising pa talaga para lang pumili ng susuotin ko at may pa make-up pa ang bruha at inayos nya ang mahaba kong buhok pinuyod nya ng maayos at nagiwan ng baby bangs daw kuno para daw pang akit ewan ko ba dun?! at ang stiletto na suot ko ngayon ay kanya din sanay naman ako gumamit ng ganitong klaseng mga sapatos dahil madalas ito ang pinasusuot sakin ng mga kaibigan kong bakla noon nung sumasali pa ako sa mga beauty pagent ng aming sitio, namiss ko tuloy ang buhay bukid at buhay probinsya. Sa tingin ko maayos naman ang itsura ko kaya sabi ko wala naman akong dapat ikahiya. pagkataas nya ng mga mata nya sakin dinial nya ang telepono at may kinausap sandali then maya-maya iniabot nya sakin ang kapirasong papel nagsmile na lang ako sa kanya di na ako nag thank you feeling ko kase parang iba ang tingin nya sakin. Pagdating ko sa may elevator ang haba ng pila at nagsisimula na ring dumami ang mga naghihintay, nagtataka ako sa may dulong elevator walang nakapila naisip ko baka ayaw nila dun kase nasa dulo na yun, dun na ako nagpunta at pinindot ko ang button ng elevator nakatingin na din sakin ang mga tao na nakapila sa mga elevator kaya sa aking pagtataka "bakit para atang may kakaiba sakin or sa suot ko? hay naku! bahala nga sila! matagal na din naman ako dito sa lungsod kaya nakakasabay naman ako kahit papaano, di ako mangmang sa ganitong klaseng bagay, " inaayos ko ang sarili ko sa reflection ng pintuan ng elevator ng biglang bumukas ito, may nakita akong isang tao sakay nito di ko sya tinignan pero ramdam ko na nakatingin sya sakin di ko pinansin yun at pumasok na ko at pinindot ang button uli para sumara at sabay pa kami ng mama na pipindutin sana ang pinakamataas na floor pero nagpaubaya na lang sya.
Are you going to 69flr too?
"Wow! baritone voice" na para bang isang midnight DJ sa radio ang napakingang kong boses napataas tuloy ako ng tingin sa mukha nya, ang tangkad nya at napaka masculine ng aura nya may mga pinong balbas ang mukha nya, pero ito yung mas nagpamukha sa kanya na para bang isang greek men goddesses malaki sya as in parang hangang baywang nya lang ako kung hindi lang mataas ang heels ng suot ko, napaka pormal ng suot nya yung tipong coat and tie baga ang tawag dun, medyo kinabahan ako sa kanya di ko alam kung sa takot or kinilig lang ako sa kagwapuhan nya.
Aam! Yes, please?!
Arte ko noh! napaenglish si ate mo! hindi ko rin kase natuloy pindutin yung button ng elevator kaya sya na ang pumindot nun, pagkaandar ng elevator hindi na sya nagsalita tumikhim lang sya at pakiramdam ko tinititigan nya ko nagyuko na kase ako ng ulo at di ko na uli sya tinignan di ko kase alam kung makakaabot pa ako ng matino sa 69 flr. kung makikipagtitigang ako sa kanya, puro bugtong hininga ang naririnig ko habang ako naman ipit ko ang pag hinga ko pakiramdam ko kase masikip at mainit sa loob ng elevator,
"Ang bango naman nitong lalaki na toh ang sarap sa ilong di tuloy ako mapakali" - Nasa isip ko habang panay ang dasal ko na sana ay nasa 69 flr na kami, tiempo na tumunog ang elevator kaya lumabas na ako nang nagmamadali at di ko na sya tinapunan ng tingin.
![](https://img.wattpad.com/cover/177820223-288-k649305.jpg)
BINABASA MO ANG
Burning Kisses
RomansaPara sa kapatid na may sakit sumugal si Carla Mysty sa Manila para magtrabaho at mapagamot ito, But she was only sixteen kaya nahihirapan siya maghanap ng mapagtratrabahuan at mapagkakakitaan hangang sa matagpuan niya ang isang kaibigan at ipinasok...