Chapter 3:

61 3 0
                                    

Jungkook's P.O.V

"Jungkook!!!! Jungkookk!!!" sigaw ni Rapmon sa akin.

"Hmmmpp??" gulat kung sabi. Doon ko pa na realize na tinatawag pala ako nang mokong nato.

"Mukhang may naaalala ka na naman ata ha??" sabi niya.

"Namimiss ko lang ang mama ko hyung . Alam mo ba sa tuwing nakikita ko ang dagat, bumabalik na naman ang masasayang ala-ala namin nang pamilya ko" malungkot kung sabi.

" Aiiiisshhh!!! Huwag ka ngang tumambay dito.. Alam mo ba pagpalagi kang nandito sa rooftoop, makikita mo ang lawak sa dagat, halika na nga!!"

"Oo na Mr.Rapmon" ngiti kung sabi sa kanya.

"Hala patay!!! Nakalimutan kung sabihin sayo. Hinahanap ka nga pala ni Coach."

Nagulat ako sa sinabi ni rapmon. Baka kasi papagalitan na naman ako nang coach namin, kaya dali-dali kaming bumaba sa hagdanan at dumiretso sa opisina ni Mr.Morgan.

"You're Late!!" sabi niya sabay hampas sa mesa.

"Opppssiii" bulong sakin ni Rapmon.

"Ah.h.hh ba...kit.. ni.yo. po pala ako pi.napata.wag coach Mor..gan?" nauutal kong sagot.

"Hindi mo ba alam kung gaano ka kahusay sa paglangoy??" seryoso niyang sabi.

"Ahhh...ha..ha..ha.. nakakahiya naman po coach" sabi ko na halatang nahihiya sa sinabi ni Coach.

"Tumahik ka!!! May sasabihin pa ako!!" Sigaw niya. Hoo!!! grabe talaga tong Coach namin, napaka Hyper Active. Di mo alam kung natutuwa ba siya o nagagalit.

"Nakakatakot talaga tong coach natin noh?.. Kala mo kung ano na pero yon lang naman pala" bulong ni rapmon sakin. Siniko ko siya baka marinig kami ni coach, year of the tiger pa naman tong coach namin.

"Sasabak ka sa International Swimming Competition"

Woooowww!!!! Is this for real??? di ako makapaniwala!! mukhang di ako makagalaw sa sinasabi ni coach.

"Ho??" tanong ko ulit kay Coach. Di kasi ako maka move-on sa sinabi niya.

"Simula bukas mag.iinsayo kana at ikaw naman rapmon sasabak ka sa District Swimming Competition kaya sabayan mo nalang si Jungkook"

"Talaga po coach?? Gagawin po namin ang lahat coach" sabi ni rapmon na mukhang hindi rin makapaniwala at hinampas niya ako sa braso, kaya doon pa ako natauhan.

"Oo gagawin po namin ang lahat coach, hinding-hindi po namin kayo bibiguin ni Rapmon at sa ngalan nang ating paaralan" sabi ko sabay yuko kay Coach.

"Dapat lang!! dahil porket ganito lang ang paaralan natin, marami tayong ibubuga! Alam kung matatalo niyo ang mga Unibersidad na yan. Magagaling kayo at may tiwala ako sa mga kakayahan niyo!! Hinding-hindi magpapahuli ang 'Hit National Public School (HNPS)'" proud na pagkasabi ni Coach.

"At makakalabas na kayo" dugtong ni Coach. Kaya agad kaming lumabas sa opisina ni coach.

"Wwwwooooowwww!!" sigaw namin ni Rapmon, napatalon kami sa sobrang saya. Di namin to ine-expect! Makakapunta narin ako sa ibang bansa!

"Anong nangyayari sa inyo??" napatigil kami dahil may nagsasalita sa likuran namin, agad kaming lumingon para tignan kung sino man yong panira nang moment namin at..........

Dug---Dugg--Dug-Dug--

"Baka malunok mo ang langaw Jungkook!!" bulong ni Rapmon.

"Ahh.. Hi Jen...nie" nauutal kung sabi. Diko akalain na makikita ko siya ulit. Siya si Jennie ang long time crush ko. Maganda, mabait, matalino, mahinhin at lahat nalang ata ng katangian sa babae nasa kanya na. Pero mukhang malabong magkagusto siya sa isang katulad kung mahirap dahil mayaman siya. Transferee si Jennie at napilitan siyang mag-aral dito dahil sa business nang daddy niya, wala na kasing ibang paaralan dito eh, kundi ang 'Hit National Public School' lang. Sumikat ang paaralang ito simula nang dumating siya dito. At lalong naging famous pa ito simula nong marami kaming natalo sa swimming competitions at naghakot nang mga awards, ika nga maraming ibinubuga ang paaralang ito. Unti-unting umunlad ang paaralang ito at lumalaki na ang populasyon ng mag-aaral, mahirap man o mayaman nagkakaisa sa paaralang ito.

Oceans Daughter (BTSXBLACKPINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon