PROLOGUE

46 2 0
                                    

Nasa kasarapan na ako ng pagda-daydream ko nang bigla akong nagising sa katotohanan matapos kong marinig ang kapatid kong babae na suminghot ng sipon.

Kanina pa ako busy sa paghahanap ng inspirasyon para sa sinusulat kong Children's Story dahil kinukulit na ako ng publisher ko na magsubmit pa raw ako dahil nagandahan daw sila sa concept ng mga sinusulat ko. At dahil hindi ako mapakali sa kapatid kong pasinghut-singhot habang nanonood ng movie sa laptop ko, biglang nabaling ang atensyon ko sa aking kapatid.

"Uy ano yan Jennie, umiiyak ka ba?" natatawa kong tanong sa kapatid ko.

Hindi umimik agad si Jennie bagkus ay suminghot ulit sabay buntong-hininga at nagpunas ng luha. Hindi ko makita ang kanyang mukha pagkat nakatalikod siya sa akin. Agad kong hinila ang kanyang balikat paharap sa akin para makita ko ang kanyang mukha pero bigla niya namang binawi pabalik ang tingin sa aking laptop.

"Hoy umiiyak ka nga! Kapapanood mo yan ng drama eh," pabiro kong sabi

"Eh kasi naman kuya, sobra na yung effort ni Ginny para magkabalikan sila ni Marco pero hindi pa rin napagbigyan ng destiny si Ginny. Kaya pala pinagtagpo sila ulit para sa closure," naiiyak na sagot ni Jennie.

Pinanonood ni Jennie yung movie nina Toni Gonzaga at Piolo Pascual. Ewan ko ba sa kapatid kong ito, napakadaling maapektuhan ng pinanonood na mga pelikula. Pero kahit ganon, masaya ako na ganun yung ugali niya kasi marunong siyang makaramdam at makaappreciate ng pag-ibig. Kumbaga hindi corny para sa kanya ang ganung bagay.

Kanina pa kami magkasama sa aking kwarto dahil namiss niya raw ako. Matagal din kasi akong nawalay sa kanya simula nung mag-college ako sa Manila at dahil sobrang layo ng probinsiya namin, kinailangan kong mag-dorm.

11 months lang ang agwat ko kay Jennie, kaya sobrang close talaga namin dahil sabay kaming nag-aral at magkabatch pa kami. Kambal na nga kami kung ituring eh. Nagkahiwalay lang kami nung college dahil mas ginusto niyang mag-stay dito sa amin dahil hindi niya raw kayang iwan sina mama at papa. If I know di lang niya kayang asikasuhin ang sarili niya at hindi ko siya ito-tolerate sa katamaran niya.

Ako naman, naisipan kong mag-aral sa Manila dahil nandoon talaga yung gusto kong kurso. Nagtapos ako ng Creative Writing, at habang nag-aaral pa ako ay sinubukan ko nang magsubmit ng mga sinulat kong kwentong pambata.

"Tama na yan, Jennie. Kanina pa tapos yung movie oh," ani ko.

Pinunasan ni Jennie ang kanyang mga luha sabay yakap sa akin.

"Hay naku kuya," ani Jennie "bakit ba kasi hindi ako makahanap ng boyfriend na katulad mo. Masyadong caring, malambing, at higit sa lahat pogi pa,"

"Sus nambola ka pa. May kailangan ka no?"

Tinawanan lang ako ni Jennie. "Hoy wala ah! Sobrang love na love ko lang ang kuya ko na ayaw magkagirlfriend," sambit ni Jennie habang nakayakap sa akin.

"Tawang-tawa ah? Eh ikaw nga tagal makamove-on doon sa naging boyfriend mo online na poser pala at tibo sa personal," banat ko rin sa 'king kapatid

"Pero bakit nga ba ayaw mo mag-girlfriend man lang?"

"Di ba nga, hindi ko pa priority yan sa ngayon. Gusto ko muna mag-build ng career,"
"Ang showbiz ng sagot mo ha!"

Napailing na lang ako at bumalik sa pagsusulat ko ng short story.

Habang ako ay nagsusulat ay bigla kong narinig ang pagsiwang ng pinto ng kwarto ko at may pumasok. Akala ko'y si Jennie na naman, ngunit nabigla ako nang paglingon ko si mama ang naroon.

Isang malamlam na ngiti ang ipinakita ni mama, nginitian ko rin siya pabalik. Hindi ko muna siya tinanong kung ano ang kanyang pakay dahil nararamdaman kong may dinadala siyang problema.

Tahimik niya akong pinagmasdan habang nagta-type sa aking PC hanggang sa napansin ko na lang na naluluha na pala siya.

"Ma, what's wrong?" nag-aalala kong tanong.

Napailing na lang si mama at hinaplos ang aking pisngi. "Nothing, 'nak. I'm just so proud of what you've become,"

"Ma, anong meron bakit ka nagkakaganyan? Is there something wrong?" tanong ko ulit sa kanya.

"No. Don't worry, anak. Everything's fine," sabay punas ng kanyang luha. "Namiss lang siguro kita"

"Naku, mama talaga. Mana nga sa'yo 'yang si Jeninay. Pareho kayong iyakin," sabay yakap ko sa kanya.

Sabi pa ni mama ay di raw siya makapaniwala sa pagtransform ko into a good man. Napakasweet ko raw sa kapatid kong babae at napakaresponsable ko raw na anak. Dati kasi nabuhay ako sa layaw. Lahat ng gusto ko ay nabibigay nila agad pero nung mag-aral ako sa Manila ay pinapili nila ako, a.) Mag-aaral ako sa Manila pero tipid ang allowance at ako lahat mag-aasikaso sa sarili ko, o b.) I'll stay in the province and live a comfortable life.

Pinili ko ang independent life sa mainland dahil alam kong dun ako magiging masaya sa kursong kukunin ko. Malaking challenge para sa akin ang manirahan mag-isa dahil uuwi akong madilim ang apartment, minsan tutong pa yung sinaing ko, at ako pa maglalaba ng damit ko kahit pagod ako sa school. Pero worth it naman lahat nang magtapos na ako.

"Anak," pagtawag ulit sa akin ni mama "I know you love writing, pero are you earning enough diyan sa work mo?"

"Hmm oo naman ma," sagot ko.

"Enough for you to buy what you want for now. Pero you have to earn, not for today, but for your future,"

Napaisip ako sa sinabi ni mama. "Eh, hindi pa naman ako mag-aasawa ah?"

"It's not that, anak. Tumatanda na kami ng papa mo at ayaw kong mawala kami na wala man lang kayong insurance sa future niyo,"

Sinabihan ako ni mama na maghanap na raw ako ng permanenteng trabaho as soon as possible, para naman magkaroon ako ng stable na income. May punto naman si mama dahil aminado naman akong konti lang ang naiipon ko sa pagsusulat at kung minsan ay matumal pa dahil sa rejections at tinatamad akong magsubmit.

Isang taon na rin akong graduate sa college, ngunit wala pa akong permanenteng trabaho. Sa bagay, tama naman si mama kasi hindi naman ganun karangya ang buhay namin, kaya kailangan ko na ring tulungan sila.

"You have to decide, anak. You're not getting any younger, at kami rin. I hope you realize that it's for your own good,"

Worth The Wait (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon