Chapter 7

6 1 0
                                    


Nagpatawag ng meeting si Kuya Paulo para raw sa gaganaping Christmas Party ng opisina sa susunod na linggo. Lahat kami ay tinungo ang conference room upang mapag-usapan ang paghahati-hati ng tasks at activities.

Kasabay ko si Andrea sa pagpasok ng conference room at tumabi na rin ako sa kanya. Pagkaupung-pagkaupo ko ay nakita kong kasunod pala namin si Raven at saka umupo sa tabi ko. Hindi rin naman niya ako kinausap ngunit alam kong gumagawa lang siya ng paraan para malaman kung ano ang nagawa niyang mali at kung bakit ko siya iniiwasan.

"Magandang hapon sainyong lahat," pambungad ni kuya Paulo sa aming lahat. Hudyat na magsisimula na ang meeting "nagpatawag ako ng meeting para sa pagplano natin ng Christmas Party next week," ani Sir Paulo

Matapos ang kanyang pambungadnagkaroon ng draw lots kung sinu-sino ang magiging magkapares sa pamamagitan ng pagbunot ng papel na may nakasulat na numero. Matapos bumunot ng lahat ay saka binasa ang mga nakasulat sa loob ng papel.

Nadismaya naman ako nang makita kong hindi si Andrea ang kapares ko dahil number 4 ang nabunot niya at ako naman ay number 7.

Tinawag ni kuya Paulo isa-isa ang mga numero para pagtabihin ang mga nakabunot. Nang tawagin ang numero ko ay nagulat ako nang makita kong tumayo rin sa kinauupuan si Raven at saka umupo kung saan kami naka-assign na seat.

"Jojo and Raven, ia-assign ko kayo sa production, ani sir Paulo "kayo ang mag-aasikaso ng venue. Klarado ba?"

Tumango na lamang kami ni Raven at nagtake-notes naman ako ng iba pang instructions ni sir Paulo.

After the meeting adjourned, pinahintulutan kami ni kuya Paulo na magusap-usap kung paano gagawin ang mga task. Bahala na raw kami sa kung paano ang diskarte namin at ibigay na lang daw sa kanya ang proposal ng mga plano namin para maapprove at matapos na.

Wala akong ibang choice kundi kausapin si Raven. Siyempre kailangan professional tayo rito at i-set aside ang mga personal na ganap sa buhay.

Habang binabahagi ko kay Raven ang aking suggestions ay napansin kong titig na titig siya sa mukha ko.

"O, bakit ganyan ka makatingin?" medyo nang-aasar kong tanong

"Jojo, may nagawa ba akong mali?" bakas sa mukha ni Raven ang pag-aalala

Nilapag ko ang hawak kong ballpen sa mesa at hinarap siya "Other than natapon yung kape sa long sleeves ko, wala na. Bakit ba?"

"Ilang araw mo na kasi akong iniiwasan"

"Ah. Ano. Bumalik na tayo sa pagplano natin," kinuha ko ang ballpen at nagkunwaring magsusulat "Kailangan makapasa na tayo ng proposal kay Sir Paulo in an hour"

Napailing na lamang si Raven at bumalik na kami sa pagpaplano ng mga bibilhin para sa design ng venue.

Beach ang napiling venue ni kuya Paulo para sa Christmas Parrty para naman daw relaxing ang vibe ng pag-unwind naming lahat. Sinang-ayunan naman niya ang plano naming bohemian ang theme at magkaroon ng open-mic kinagabihan. Nang maapprove na ang aming proposal ay inatasan niya na kaming bilhin ang mga kakailanganin.

Sakay ng kanyang motor, una kaming tumungo sa stationary store na malapit sa office para sa mga crafts na pangdesign sa aming venue. Naghanap ako ng mga dream catcher at crepe paper na iba't ibang kulay. Sa puntong ito hindi pa rin kami gaanong nakakapag-usap ni Raven at ramdam kong naa-awkward siya sa sitwasyon namin.

Sunod naman naming pinuntahan ang re-rentahan namin ng maliit na stage para sa open mic pati na rin ang sound system na gagamitin.

Habang nakikipag-usap ako sa re-rentahan namin ng sound system ay narinig ko siyang nagsasalita sa mic. Kung anu-anong anime lines ang pinagsasabi niya at natawa na lamang sa kanya ang may-ari ng sound system rental.

Worth The Wait (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon