chapter 4

1.7K 45 6
                                    

                     Alex's Pov.

   Awieeeee!!! Buti naman may pov pala ako,,akala ko naman hindi niyo na makikilala ang isang napakagandang diyosang tulad ko charot! Hahaha.

   By the way high way haha,,I'm Alexandra Allendre isa sa mga best friends ni Samantha Heaven Anderson at pinaka maganda at sexy sa balat ng lupa char!!!.

"Sophia kumain ka na please "

Pagpipilit ni Cassey kay Sophia,simula kasi ng namatay si Matt lagi ng tulala si Sophia,hindi rin siya kumakain at laging umiiyak pag gabi..

  Mahal na mahal niya talaga si Matt kasi simula 1st HS kami crush na niya ito at naging sila nung grade 8 kami kaya matagal na ang relasyon nila,,akalain mo yun 4rth year na kami pero sila pa rin. Sayang ngalang at wala na si Matt.

Malungkot rin kami at nanghihinayang dahil kahit papaano ay kaibigan namin si Matt pero hindi lang talaga kami ganon kaclose.

"Oo nga kahapon ka pang di kumakain baka magkasakit ka niyan "

Sabi naman ni Heaven sa kanya.

"Ayoko "

Walang emosyong sabi niya sa amin at tumingin na ulit sa labas ng bintana.

"Sige na please kahit konti lang "

Pagpupumilit  pa rin ni Cassey sa kanya.

"Ayoko nga sabi e!!!"

Sigaw ni Sophia at tinapon ang kanyang pagkain.

"Ano ba Sophia!!!paano kung magkasakit!?paano kung may mangyari sayong masama ha!!! Akala mo ba magiging masaya si Matt kapag nakita niyang nagkakaganyan ka dahil sa kanya!!! Sana naman alagaan mo ang sarili mo para sa kanya Sophia!!!"

Mahabang sermon ni Cassey kay Sophia na ngayon ay humagulhol na sa iyak.

Alam naming napakahirap at masakit ang nangyari para sa kanya.

Lumapit nalang kami sa kanya at niyakap siya para kahit papaano ay maramdaman niyang hindi pa rin siya nag-iisa.

"Tama na,,alam naming masakit pero kakayanin mo yan, malalampasan mo lahat ng ito basta maging matatag ka "

Sabi sa kanya ni Heaven habang hinahagod ang likod niya dahil hindi pa siya tumitigil sa pag-iyak.

"Alam naming matapang at palaban ka Sophia "

Sabi ko naman sa kanya para mas gumaan ang loob niya.

"Basta lagi mong tandaan na lagi kaming nandito para damayan ka at samahan ka sa anu mang pagsubok "

Sabi ni Janella na nakaakap rin kay Sophia.

"Walang iwanan "

Maikling sabi ni Nikka.

"Tama na nga,, ang drama natin e"

Sabi ni Cassey at tumigil na rin si Sophia sa kakaiyak.

"Isang ngiti nga diyan "

Sabi ko kay Sophia at ngumiti naman siya ng konti.

"Wala ng iiyak ha,,kung hindi malilintikan kayo sakin "

Sabi ni Janella at pinakita pa ang kamao niya.

"Tss as if kaya mo kami "

Sabi sa kanya ni Nikka kaya natawa kaming lahat na ikinasimangot naman niya.

"Tara na nga malalate tayo niyan e!"

Sabi naman ni Heaven tss kahit kaylan talaga ang babaitang to ayaw malate.

BLOODY ACADEMIA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon