chapter 2

1.4K 41 0
                                    

                   Heaven's pov.

"Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari kay Ma'am Natividad"

Sabi ni Janella na katabi ko ngayon.

"Hayss ako nga rin e"

Yun nalang ang nasabi ko sa kanya at muling tumingin sa labas ng bintana .lahat kami  ay tahimik at wala sa mood dahil sa nangyari.

Grabe naman ang ginawa nila kay ma'am Natividad,,napaka brutal at walang puso ang pumatay sa kanya.

Mabait na guro si ma'am Natividad halos siya na nga ang pinaka paboritong guro ng mga estudyante dito sa Academy e kaya nakapagtataka kung bakit siya ang pinatay ng killer.

"Ang tagal naman nating ma dismiss"

Bagot na sabi ni Alex tsk tsk napaka iksi talaga ng pasensiya ng babaeng.

" konting pasensiya Alex malapit na ang oras "

Sabi naman ni Renz sa kanya.

"Whatever"

Yun nalang ang nasabi niya at umub-ob  sa desk ng upuan niya.

Simula kasi ng nangyari kaninang umaga wala ng pumasok na teacher.

Siguro busy sila lalo na at dumating ang mga pulis para mag imbestiga sa nangyari.sinabi na rin nilang huwag namin itong ipagsasabi sa kahit na sino dahil baka manganib ang buhay namin.

Ganito ang nangyayari simula palang nung pumasok kami sa paaralang ito.laging may patayang nagaganap.

Lagi kang nakakakita ng mga dugong dumadanak at hanggang ngayon wala pa rin kaming ideya kung sino talaga ang gumagawa nito.

Mukhang mapayapa ang paaralang ito kapag titignan mo pero nagkakamali ka dahil ang paaralang ito'y nababalot ng karahasan at misteryo kaya kung ako sayo hindi na ako magtatangkang pumasok sa paaralang ito.

Kapag nakaenroll ka na sa paaralang ito ay wala ka nang kawala kahit saang sulok kaman magtago.

"Guys attention!!bukas ihanda niyo raw lahat ng gamit niyo dahil simula bukas dito na tayo matutulog.ipinaopen na ni prinsipal yung dalawang building para maging dorm natin yun lang at pwede na kayong umuwi para makapag handa "

Mahabang paliwanag ng president naming si Kyline.

" tara uwi na tayo para mas maaga tayong makapaghanda "

Sabi ni Tristan sa amin.

"Oo nga "

Pag sangayon naman ni Renz kay Tristan.

"Sige sabay sabay na tayong umuwi para mas masaya"

Nakangiting sabi ni Sophia sa amin

"Game!!"

Pag sang ayon naman ni Cassey yung muse namin.

"Tara na nga ang dami niyo pang dada "

Bagot na sabi ni Nikka at nauna ng lumabas ng room at sumunod naman kami.

Hayy sa wakas makakauwi na rin kami.gusto ko nang magpahinga,,feeling ko kasi napagod ako ngayong araw siguro dahil sa mga nangyari..










(A/N:Awieee!!ano kaya ang mangyayari sa pagstay nila sa school???

Support may story guys 😊😊😊✌ I hope you like it 💛💛)

BLOODY ACADEMIA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon