Prologue

91 7 4
                                    

"Zira bilis!" Hinatak ko pa ang best friend ko.

"Teka lang naman, Queen. Madadapa pa ko sayo e."

Inis na singhal niya.

Excited na kasi akong subukan itong bagong DSLR na regalo sa'kin ng papa ko.

Noon ay pangarap ko lang magkaroon nito and then now I finally got it. Para sa katulad ko na aspiring vlogger at aspiring photographer napakahalaga ng camera at halos sambahin namin ito.

"Teka lang naman. Hinihingal na 'ko," reklamo pa ni Zira nang nasa hagdan kami paakyat sa rooftop ng St. Scholastic.

"Kaya mo 'yan!" Tinawanan ko pa siya kaya sinamaan niya ko ng tingin.

Pagdating namin sa rooftop ay napatili pa 'ko.

"Game na, Zira, magpose ka na!"

Excited pa na sabi ko.

"Pwede bang wait lang? Ang haggard ko pa!"

Inis pa na sabi niya tsaka nagsimulang ayusin ang sarili habang sineset up ko ang DSLR ko.

Napangiti naman ako nang itinapat ko sa langit ang DSLR at lalo pa 'kong napangiti nang makita ko kung gaano kaganda ang kinalabasan ng pagkuha ko ng litrato.

I'm so in love with photography and I'm so in love with this DSLR.

"Game na."

Nakangiti pang sabi ni Zira.

Napangiti naman ako. Zira is my best friend and my model too. Siya lagi ang nagsisilbing subject ko.

"1...2...3"

Kumunot ang noo ko nang makita ang kuha ko kay Zira.

"Bakit, Queen? Pangit ba 'ko jan?"

Umiling naman ako. Nagmadali pang lumapit sa'kin si Zira para makiusisa rin. Zinoom ko pa sa lalaking nahagip ng camera tapos ay napangiti ako.

"Sino 'yan?"

Nagkibit balikat ako tsaka ko inalis ang tingin ko sa camera tapos ay tumigin sa kabilang side ng rooftop.

"Kilala mo ba 'yan?"

Umiling ako kay Zira. "Hindi pero ang gwapo niya, girl! Halika lapitan natin."

Hinila ko pa ang nagpoprotestang si Zira.

"Ano ba, Queencel? Nakakahiya!"

"Bakit naman, Zira? Makikipagkaibigan lang naman tayo!"

Hinila ni Zira ang braso niya mula sa pagkakahawak ko.

"Wag mo 'kong hilahin baka sabihin ako 'yong nalove at first sight, e."

Tumawa naman ako. "Love at first sight agad? Hindi ba pwedeng crush at first sight lang?"

Umiling iling pa si Zira.

"Hi!"

Nakangiting bati ko sa grupo ng mga kalalakihan na nandito sa kabilang side ng rooftop.

"Pwede ko ba kayong kuhaan ng pictures?" Itinaas ko pa ang DSLR. "Para lang sana  mailagay ko sa portfolio na ipapasa ko sa isang subject ko."

Sumulyap pa 'ko sa lalaking pumukaw ng atensyon ko.

Tall, moreno and absolutely handsome.

"Girl 'yong laway mo."

Bulong pa ni Zira kaya mahina ko siyang siniko.

"Sige ba!"

Nakangiting sabi noong lalaking maputi.

"Okay sige, 1...2...3."

"Isa pa."

Nakangiting sabi ko pero nakafocus lang naman talaga ito sa isang tao.

"Ayan. Thank you! Malaking tulong talaga 'to para sa project ko." Sumulyap pa ko kay Zira na nasa likod ko at iiling iling siya.

Nagpakilala naman ako isa isa sa kanila maging si Zira ay pinakilala ko rin.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko nang sa kanya na lang ako hindi nakakapagpakilala.

"Hi, I'm Isabella Queencel Serrano but you can call me Queen." Inilahad ko pa ang kamay ko para makipagkamay.

Pero imbis na makipagkamay siya ay itinaas niya ang kamay niya para makipaghigh five. "Eiron."

Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Zira kaya pinandilatan ko siya ng mata.

Nang magtama ang mga palad namin ay parang nakuryente ako.

"Tara na kina, Dexter."

Pagyayaya pa ni Eiron kaya nagpaalam na sila sa'min.

"Eiron!"

Tawag ko pa sa kanya kaya tumigil siya sa paglalakad at pumihit paharap sa'kin.

Nakangiti naman siya nang hinarap ako.

"Eiron what?"

"Carbonel," simpleng sabi niya.

"Thank you!" Pilit kong itinatago ang kilig ko. Tumango lang sa'kin si Eiron tsaka tumalikod na.

Narinig ko pa ang pangangantyaw ng mga kaibigan niya at napailing naman siya.

Nang mawala na sila sa paningin ko ay nagtitili ako dahil sa kilig.

"Kumalma ka nga, Queen!"

Natatawa pang saway ni Zira sa'kin.

"Girl, ang gwapo niya. Bakit ngayon ko lang siya nakita?"

Napailing pa si Zira. "Sa dami ba namang studyante dito sa St. Scholastic e., At talagang tinanong mo pa ang Surname niya, ah?"

Maging ako ay natawa sa ginawa ko.

"Tapos kung makapagpakilala ka buong pangalan talaga?" Natatawang sabi ni Zira.

Humagalpak naman ako sa tawa. "Bakit ba? Malay mo iadd niya 'ko sa facebook."

"Assuming at its finest." Nagtawanan pa kami ni Zira.

"O Bakit ganyan yung ngiti mo? Anong binabalak mo?" Pinagkrus pa ni Zira ang mga braso niya. Umiling ako tsaka natawa ulit.

Eiron Carbonel

Nararamdaman ko na pinagtagpo tayo dahil may rason.

And whatever reason is that I will do everything para lang mapalapit sa'yo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Inescapable Heartache (Inescapable #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon