Pulang Lipistik sa Puting Panyo

230 0 0
                                    

: Pulang Lipstick sa Puting Panyo

(Kwento ito ng isang babaeng may duda sa kanyang asawa na ito raw ay nangangaliwa. Sundan natin ang laman ng kanyang utak, puso at kaluluwa...)

Napansin ko ang aking asawa...tila siya balisa. Kaagad siyang lumabas ng hotel room, bumaba siya ng hagdan, dinig ko ang lagapak ng kanyang sapatos. 

Bakit? tanong sa utak ko.

Di ko alam.

Pumasok ako sa kuwarto. Nakita ko kagad ang drawer sa kaliwa. Binuksan ko iyon. Nakita ko kagad ang isang puting panyo, may bahid ng pulang labi...kinabahan ako..

Kagad akong lumabas ng silid... sinundan ko ang aking asawa sa may kantina ng hotel na iyon. Wala siya sa kantina. Pumunta ako sa dakong kaliwa ng gusali sa may phone booth. Nakita ko siya. May kausap sa telepono. Kinabahan ulit ako. Pinagmamasdan ko siya mula sa kinaroroonan kong hagdan.

Matikas pa rin si Arnulfo, pangalan ng aking asawa. Ilan ngang babae ang narahuyo sa kanya nun?

Si Beatriz na halos nanay na niya ang habol ng habol sa kanya; si Nora na biyuda at makati pa sa gabing laing... at si Susan na kolehiyala na kapit sa patalim para lang makapag-aral....

Tapos na ang kabanata ng buhay niyang yun...ano naman to? Bagong puzzle para sa akin? Hmp! Humanda ka Arnulfo... malilintikan ka sa akin... Seguro mga three minutes din siya sa telepono, parang aliw na aliw siya sa pakikipag-usap... Ibinaba na niya ang telepono at pabalik na siya sa kuwarto namin, kagad akong umalis sa may hagdan at patakbong umakyat pabalik sa aming kuwarto. Nagkunwari akong nanonood ng telebisyon...

Pumasok siya, sabay halik sa pisngi ko...

Gising ka pa rin. Di ka ba makatulog?

Kunwari di ko siya naririnig. Mahirap na baka kapag kumibo ako magdiskusyon na naman kami. Ayoko nga. Kaya nga kami nagbakasyon para makapag solo. Hayz... sarap sanang bakasyon ito pero may mga hassles... nakatulog ako sa sofa... wala nang palabas sa tv... ala una na pala.

Tumayo ako. Laking gulat ko, nakita ko ang sarili ko sa sofa...omg.. ano to out of body experience?

Pinagmasdan ko ang aking sarili, tulog na tulog... tinitingnan ko kung humihinga ba?

Buhay ba ako o patay na or what...

Multo na ba ako kaluluwa or what?

Nag panic ako pinilit bumalik sa katawang lupa ko.

Pero ayaw.

Oh no...ayaw ko pang mamatay... help me... pero sino tutulong sa akin.

Pumunta ako sa kama. Tulog na tulog ang magaling kong asawa. Naghihilik pa ang loko. Arnulfo, walang hiya ka talaga... tinapik tapik ko si Arnulfo... hirap namang gisingin nito. Ano kaya ang gagawin ko para magising ang mokong na to? Tama, kukunin ko ang kanyang sapatos, itatapat ko sa ilong niya.

Kahit anong gawin ko di ko kayang kunin ang sapatos niya. Nakakapagtaka naman, samantalang noon isang ...oh no...

Kaluluwa na lang ba ako? Tiningnan ko ang katawang lupa ko; nahihimbing pa rin sa sofa...Nilapitan ko ang tv...try kong i-off ayaw... my god... what is happening to me? Binuksan ko ang pinto ayaw ding mabukas. Paano ako lalabas dito?

Gusto kong magbanyo sa nerbiyos... teka balik nga ako sa katawang lupa ko...

Pilit kong isiniksik ang sarili ko sa katawang lupa ko... pero ayaw pa rin... patay...

Patay na talaga ako...

Pero hindi buhay naman ako...

Nasa labas nga lang ang kaluluwa ko... anong gagawin ko ngayon?!

Kuwento Mo, Kwento Ko, Kwento Nating LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon