Untitled Part 1

2.8K 77 7
                                    

"Niana! Ano ba 'yan ang dami-daming pupuwedeng maging kalaro diyan sa kalsada, talagang ang mga kalalakihan pa ang kinakalaro mo!" Rinig na rinig sa labas ng tahanan nina Aling Marie ang boses ng matanda. Si Niana naman ay napakamot ng pisngi dahil naiirita na siya sa kaniyang nanay. Naging ganito na lang kasi palagi ang pangyayari sa kanilang bahay kada uuwi siya galing sa lansangan mula sa paglalaro. Suot ang maluwang na t-shirt at jersey short na mukhang sa kuya pa niya galing.

"E 'nay, sino ho ba ang gusto niyong kalaruin ko? 'Yung anak ni Aling Beth? E mga talandai naman 'yon!--" Agad na tinakpan ng ginang ang ibig ng batang si Niana dahil baka marinig nina Aling Beth ang sinasabi ng bata, delikado na at malaki-laki pa naman ang utang nila sa magnanay na 'yon.

"Ano ka ba naman Niana?!Ayusin mo nga 'yang tabas ng dila mo! Kung ano-ano ang pinagsasabi mo diyan!" Sabi ng ginang sa bata. Napakamot naman ng ulo si Niana dahil sa pagka-irita.

"E totoo naman iyon inay! Basta ho ayaw kong kalaro sila! Ayoko laruin 'yung mga barbeh nila! Mas gusto ko ho 'yung mga baril-barilan nina Jojo diyan sa kanto e." Pagkukwento ni Niana sa ina. Wala namang nagawa si ALing Maire sa anak at tinitigan na lamang ang gusgusing anak na puro putik sa katawan. Mukhang naglampaso nanamn ito sa kalsad at umasta na akala mo'y siya si Cardo.

"Hay nako! Ewan ko ba sa iyong bata ka! Pumanhik ka na sa kuwarto mo at maligo! Ang asim mo na!" Tanging nasabi ni Aling Mare sa anak at tinulak ito papalikod. Kakamot-kamot naman na pumanhik si Niana sa kaniyang kuwarto. "Bilisan mo sa pagligo at baka dumating na ang tatay mo at mga kuya mo!" Pahabol na sigaw ng kaniyang nanay mula sa sala.

Tila naman natuwa si Niana nang marinig niyang papauwi na ang mga kuya niya. Naeeksayt kasi siyang malaman kung anong magiging pasalubong nito para sa kaniya. Sa kanila kasing apat na magkakapatid ay siya lang ang babae at pinakabata, mag-pipito pa lamang siya samantalang ang mga kuya naman niya ay nagtatrabaho't nag-aaral na kolehiyo't hayskul.

Agarang naligo ang batang si Niana at nagbihis, katulad ng kaniyang suot kanina, t-shirt parin na malaki ang kaniyang suot at ang jersey short na pinaglumaan na ng kaniyang mga kuya.

"Niana lumabas ka niya diyan at nandito na ang tatay at mga kuya mo!" Rinig niyang hiyaw ng knaiyang ina mula sa labas ng kanilang kuwarto. Mabilis siyang nagsuot ng tsinelas at sumagot sa kaniyang ina.

"Oho inay, andiyan na!" Sabi niya sabay bukas ng pintuan. Tinahak naman niya ang daan papunta sa sala kung nasaan ang kaniyang tatay at mga kuya.

"Mga kuya! 'Tay!" Rinig sa buong bahay ang lakas ng boses ni Niana kaya't lahat sila'y napatingin sa kaniya.

"Bunso! Halik rito't may pasalubong sina tatay." Agarang lumapit si Niana sa kaniyang ama at kumandong. Ang mga kuya naman niya ay nanatiling naka-upo at tinitignan sya. Binigay ni Kuya Nat ang isang supot ng plastik sa kaniya.

"Ayan, dinaanan pa namin 'yan kanina ng Kuya Nilo mo sa mall." Sabi ng kaniyang Kuya Nat at ginulo ang kaniyang buhok. Dahil hindi naman niya alam ang nasa loob ay agad niya itong binuksan, nag-eexpect kasi siya ng isang pellet gun at maraming bilog na bala.

Nadismaya ang batang si Niana nang makitangisang barbie ang binili para sa kaniya. Napa-nguso naman ito at inilayo ng kaunti sa kaniya ang laruan. Napansin naman iyon ng kaniyang Kuya Nate, panganay sa kanila, ang naging reaksyon niya.

"O bakit parang malungkot ka bunso?" Tanong sa kaniya ng kaniyang kuya. Tinignan naman niya ito at nginusuan.

"E kuya ayaw ko po niyan e. Gusto ko baril-barilan o 'di kaya 'yung pellet gun na nilalaro nina Jojo." Natawa naman ang mga kuya niya sa kaniyang sinabi. "Bakit kayo natawa? 'Yun ang gusto ko e." Sabi ni Niana at pinagkrus ang kaniyang mga kamay.

"Hayaan mo bunso, bibilihan ka ng tatay." Natuwa naman si Niana sa narinig kaya't napayakap siya sa kaniyang tatay.

"Salamat 'tay! 'Nay! Bibilihan na ako ni tatay ng pellet gun!" Sigaw niya sa buong sala sapat para marinig ng kaniyang ina.

"Hay nako Bernardo! Kinunsinti mo nanaman ang anak mo!" Sigaw pabalik ng kaniyang ina sa kaniyang ama.

"Hayaan mo na si Niana sa gusto niya. Bata pa naman siya at saka wala namang masama kung mas kinahihiligan niya ang paglalaro ng mga panlalaking laruan."

***

"Ma! Ayaw ko nga po sabi ng mga baril-barilan na 'yan!" Nagmumuktong sabi ng isang batang lalaki sa kaniyang kuwarto.

"E anak anong gusto mo? 'Yung mga pang kolorete ng mga ate mo? Nako sinasabi ko sayo Kenrick! Hindi iyon ang dapat na nilalaro mo!" Pinapagalitan ni Aling Georgia ang kaniyang anak na si Kenrick dahil sa kaniyang hilig na laruin.

"E ma! Mas gusto ko 'yon! Ayaw ko ng mga baril-barilan na 'yan! Tsaka mas gusto kong babae ang kalaro ko, kadiri 'yung mga lalaki dyan sa kalsada! Ang dudungis at ang dudugyot!" Napasapo ng noo ang kaniyang ina dahil sa frustration.

"E hindi naman iyon panlalaki Kenrick! Dapat nilalaro mo mg baril-barilan!" Ngumuso ang batang Kenrick sa narinig at napakamot ng batok.

"Basta ma, ayaw ko 'non. Kadiri 'yon!" Nagdadabog na naglakad si Kenrick papunta sa kaniyang kuwarto.Padabog na sinara ang pintuan at kinuha niya ang isang kahon mula sa durabox. Mabilis na sumampa sa kama at binuksan ang kahon.

Napangiti na lamang siya nang makita ang laman ng kahon, iba't ibang mga pang-kolorete sa mukha na kaniyang dinukot sa mga make-up ng mga Ate at Mama niya.

Kinuha niya ang avon na red lipstick na kaniyang pinuslit at masiyang nilagay sa kaniyang labi. Kinuha niya ang salamin sa gilid ng kama at tinignan ang sarili.

"Ang ganda ko talaga!"

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon