page 4

1K 23 8
                                    

nagdaan ang ilang mga linggo at wala paring Ericka. Hindi parin sya pumapasok. Maski mga tawag ko di parin nya sinasagot. Miss ko na kasi siya.

At nung isang araw, Lunes nun, nagtaka kami ng mga kabarkada ko dahil madaming pulis sa school. 

"naku, sigurado ako, meron na namang nagnakaw galing sa school nato."sabi ng classmate ko.

"baka nga"sabi ko.

biglang tumakbo papunta sa min yung classmate namin at hiningal, sabay sabi nya :

"NARINIG NYO BA YUNG BALITA?"sabi nya

"anong balita?"sabi ko.

"may  nagbigti daw, 4th year student, sa cr ng mga babae!."

"ano?"sabi naming lahat, sabay takbo namin takbo namin papuntang cr.

habang nakaosyoso lahat ng 4th year students sa crime scene, lumingon lingon ako para hanapin si Ericka, lingon dito, lingon dun.

"tang-ina pre, wala dito si Ericka!" sabi ko, kinakabahan nako,

"huh? teka, baka absent lang." sabi ng classmate ko.

"lahat ng 4th year students nandito at 4th year yung nagbigti, wala pa dito si Ericka,!" tumakbo nako papunta sa cr.

"hoy bawal dyan!"sabi ng pulis at pagbukas ko ng pinto, wala na kong nasabi, napaluhod nalang ako, gumuho ang mundo ko at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon,

gulat na gulat lahat ng 4th year students sa nakita nila, si Ericka na lumulutaw sa ere, na may nakataling lubid sa leeg.

may nakita akong nakasulat sa dingding, dugo ang gamit na tinta,  "GINAGAHASA AKO NG TATAY KO"

hindi ko na alam ang gagawin ko, bigla nalang nagging puti ang pananaw ko at pag gising ko, nasa clinic nako,

pagkatapos nang ilang araw, nakita ako ng classmate ko na nakatayo sa harap ng cr. sa eksaktong cr na pinangyarihan ng pagpapatiwakil ni Ericka.

"pre, ayos ka lang bah?" sabi nya.

MY HIGHSCHOOL HEARTBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon