page 1

1.6K 35 13
                                    

"Lapitan mo na." sabi ng kaibigan ko.

"Nahihiya ako eh" sabi ko naman

"Pare, last year na natin toh. Pag di mo pa pinormahan yan si Ericka, wala ka na talagang iba pang pagkakataon, madaming may gusto dyan eh" sabi ng kaibigan ko.

"Oo na, eto na nga oh."

Ako ng pala si Basteh, 4th year na ko, at crush ko si Ericka, kaso, nahihiya akong umamin, Ang ganda kasi eh, matalino pa. Eh ako, halos baon nga lang dahilan ko kung bakit ako nagsusumikap pumasok ng alas 7 para sa flag ceremony.First year palang ako, crush ko na si Ericka. hayyy, pero ngayon, kailangan na nyang malaman, in 8 months, gagraduate na ko. 

"Umm, *clears throat"

"O, Basteh." binaba nya yung librong binabasa nya."May kailangan ka ba?"

"huh? ahh, uhm, ahh" putik, nauutal ako, ayaw lumabas ng words.

"Hoy, bat ka namumutla? Ayos ka lag bah?" nagmamalasakit nyang tanong.

"huh? hindi, ayos lang ako, ahh, ano kasi, uhm, pwede bang, ahhh, pwede kabang maging partner sa activity ni Sir Clarence?" kaines, bulol bulol ako.

"ahh, sus, yun lang bah? O sige , wala pa rin naman akong partner.., wala ka ng ibang itatanong??"

"wa-wala na. hehe," at kumaripas na ko. nahihiya na kasi talaga ako. 

pagkatapos nung araw na yun, di nako nahiya sa lumapit sa kanya, pero meron paring oras na nauutal ako pag kausap ko siya..

"Ahh, Ericka.. uhm, a-anong paborito mong bulakbulak?"tanong ko.

"hmm, siguro rose." sabi nya sabay ngiti.

lang hiya, ang ganda naman talaga nito, wag kang ngumiti, mas lalo akong nababaliw sayo.

"Ahh, g-ganun bah? Maganda rin naman y-yan." sabi ko.. 

"hoy, alam mo Basteh, bakit ba palagi buhol2 yang dila mo pag kausap ako, anong problema mo?"

"huh?? w-wala naman, g-ganito lang akong magsalita ah."

"o sige, sabi mo eh."

MY HIGHSCHOOL HEARTBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon