Chapter Six

6 1 0
                                    

Maghapong malakas ang pagbuhos ng ulan. Simula nang magising ako ay tanaw ko na ang malakas na pagbugso nito sa labas at sa bawat gusaling natatanaw ko mula dito sa ikalawang palapag.

I hesitated kung papasok pa ba ako o hindi. But of course, I have to. Tatlong araw na ang nakalipas matapos ang insidente sa Nes Café and for the last night, kasabay ng pagdating ng mga kamag-anak ni Ma'am Nonnie, ay ang gabi na napagkasunduan namin upang makiramay.

It's cold. It's damn cold.

Before leaving the apartment, I decided to wear a jacket to prevent the coldness of the weather that penetrates my skin.

Maging sa corridor ng second floor ay lumalampas ang pagbuhos​ ng ulan. Nabasa na rin ang iba pang mga gamit ng mga nakatira dito na nakalimutan yatang ipasok.

I'm now on the ground floor. Medyo basa na ang aking jacket dahil sa malakas na hangin na tinatangay ang ulan sa corridor kanina. Kung dito pa lang ay basa na ako, ano pa kaya mamaya na kailangan kong mag-commute patungong campus?

Suspension is indeed the answer for this. But I haven't heard some news about it. Walang na-post na update o anumang announcement sa website ng school when I checked it earlier. Wala rin naman akong kaibigan sa campus na maaaring mag-inform sa akin.

Napagdesisyunan kong maghintay na lamang muna na tumila ang ulan, but hell yeah, titila pa ba ito? I hate this day.

Maliban sa akin ay marami ring mga tao ang hinihintay ang pagtila ng ulan, I guess they're also from the same university I'm in, magkatulad ang lace ng id na aming suot ngayon.

I can't cross the street for now, paniguradong basa maging ang kaluluwa ko kung tatawid ako upang maghintay ng sasakyan. Kung normal ang panahon, I prefer riding in a jeepney, but if it's rainy days like this, I'd rather ride in a bus. Kahit na dagdag sa nakakamamatay na lamig ang atmosphere nito sa loob.

I sighed. Should I really attend the class?

Nakakatitiyak akong kung liliban ako ngayong araw, hindi ako nag-iisa. Ilan sa nakatira sa apartment ay mga schoolmates ko.

I wonder if I have a car.

Dad never let me drive his car then, he's the one who gather me to school. But he still taught me how to drive one.

Tuwing namamasyal kami, lalo na sa hindi mataong lugar, mags-stay muna sila ni Mommy sa isang lugar habang ako ay maglilibot kasama si Nana. That was one of my happiest days then.

I was lost in reverie nang may pumaradang itim na kotse sa harapan ko. Shet!

Agad na nabuhay ang inis sa sistema ko nang may tumalsik na putik sa suot kong jeans maging sa ibabang bahagi ng jacket ko, it's pastel blue, for mushroom's sake!

“Oh my gosh! Sorry Zandra!” I was busy wiping the traces of dirt to both of my jeans and jacket when I heard that familiar voice.

“Morgan?” I was surprised. Handa na sana akong sipain ang windshield ng sasakyan ngunit nabawasan ng isang porsyento ang inis ko, it's Morgan. But still, kahit si Morgan siya, dinumihan niya pa rin ang suot ko!

Nakabukas ang bintana ng sasakyan at kitang-kita ko ang gulat at pag-aalala sa mukha niya. Dapat lang. Naku Morgan!

“I'm really sorry Zandra. Hindi ko kasi masyadong makita ang daan, sobrang kapal ng ulan.” She has a point. Sobrang lakas ng ulan at natatabunan na nito ang paligid, parang nababalot ng hamog ang paligid. Bukas rin ang ilaw sa harapan ng sasakyan.

I sighed. Pinipigilang hindi mainis. “It's okay.” Sinubukan kong ngumiti. Kahit pilit.

“Papunta ka na ng school?” Tanong niya. Obviously.

Sense Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon