^Sharlene's POV^
maaga akong pumasok upang ihatid si Sean sa room niya.. pero may hindi inaasahang tao ang nakatayo sa tapat ng room nila Sean habang kausap ang guro ni Sean...
agad kong binuhat ang kapatid ko... pero huli na dahil nakatingin na rito sa direksyon ko ang Bastardo kong ama na walang ginawa kung hindi mambabae lang...
"anong ginagawa mo rito?" Cold na tanong ko pero nagawa niya pang ngumiti at lumapit sa amin..
"Mga anak ko.." yayakap sana siya sa amin ni Sean pero lumayo ako at yun ang nakapagpawala ng ngiti niya..
"Sino ka ba?... umalis ka na dito... hindi ka namin kilala" bakas sa mukha niya ang pagkalungkot pero hindi ako natinag... pansin kong pati ang guro ni Sean at si Sean ay naguguluhan na .. pero hindi na ako magpapauto sa bastardo kong ama na yan.. Bakit?... nung nagmakaawa ba si Mama sa kanya na wag umalis naawa ba siya?... HINDI!!... dahil kitang kita ko noon kung paano niya tabigin ang mama ko..
"P-pero ana--" hindi na ako nakapagtimpi at sumigaw na sa kanya... pasalamat siya at konti pa lang ang tao..
"HINDI!!!... HINDI MO KO ANAK!! HINDI MO KAMI ANAK... LUMAYAS KA--*sniff... L-LUMAYAS KA NA... H-HINDI KA NAMIN KAILANGAN... !!" bigla akong tumakbo habang hawak si Sean... pati sa kapatid ko naawa na rin ako... umiiyak na siya--..
Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong nakatigil na pala kami ni Sean at yakap na kami ni ..
"Ja-jairus??"
"Shhh... let it out.." pagkasabing pagkasabi niya nun at umiyak na talaga ako... at wala na pala sa kamay ko si Sean dahil buhat na siya ni Jairus... hindi kami gaanong kalapit ng lalaking ito ngunit bigla akong nakaramdam na safe na safe ako sa kanya..
--
"Ohh iha tubig..." agad akong nagpasalamat kay tita Jaris... ang mommy ni Jairus... pagkatapos kasi ng eksenang iyon ay inaya kami ni Jairus na Umuwi muna pero di ko alam kung bakit nasa bahay nila kami..
"N-nasaan po si S-sean" hinagod ni tita Jaris ang likod ko dahil humihikbi pa ako...
"Nasa taas siya.. pinatulog ni Jairus... teka iha... pwede ba akong magtanong?" Tumango ako kay Tita Jaris para ipagpatuloy niya ang sinabi niya...
"Are you related to Scarlette Fajardo?" Walang anu ano'y biglang sumakit ang ulo ko... at parang may mga nag-flaflashback sa utak ko ng kung ano ano..
"Are you okay iha?... pasensya ka na huh?... sige magpahinga ka muna riyan.." tumango ako kay tita. Hinilot ko ang sentido ko at marahang pumikit. Pero nagulat ako ng pagkadilat ko ay nasa harapan na si Jairus. Walang emosyong nakatingin sakin.
"Follow me." Malamig na saad niya, agad naman akong napatayo at sumunod sa kanya, naglalakad siya habang nasa likod niya ako, tumingin ako sa paligid at
"Ouch!-- sorry." Nabunggo ko na pala siya, nagulat ako ng humarap siya sakin at hawakan ang kamay ko. Bigla akong nakuryente hindi literal pero parang kuyente iyon. Honatak niya ako paupo sa tabi ng pool at ibabad ang paa.
"Sorry, sa tinanong ng Mom ko kanina" napaangat ako ng tingin at yumuko. Nakatingin siya sa malayo.
"O-okay lang, ako nga dapat ang magsorry sa'yo kase nakita mo 'yun--" he cut me by his words
"Ayos lang, nasaktan ka ba?" This time nahaluan ng sinseridad ang tono niya. Kaya nagulat ako. Pero I managed to utter a word.
"Oo, h-hindi naman ako nasaktan. Pasensya na talaga." Nakayukong sambit ko pero nagulat ako ng bigla niya akong pihitin paharap sa kanya at walang sabi sabing nagtama ang mga labi namin.
Hindi ako makagalaw dahil hindi pa rin nadidigest ng utak ko ang nangyayari ngayon. Nakapikit siya pero ako nakadilat. Why are you doing this to me? I felt like a crazy tomato and my knees are turning into jellies.
"Alam mo bang hindi na ako makapaghintay? Bakit ba kasi nagkaamnesia ka pa?" Hindi ko alam pero bigla na lang nagdilim ang paningin ko ng sabihin ni Jairus 'yan.
BINABASA MO ANG
enchanted love..<3(jailene,and nlex)
Ficțiune adolescențisi shar.. ang magtuturo kay jai.. upang. magtiwala muli ito sa love dhil .. sa itoy. nsaktan n sa dating kasinthan.. read it guys.. :-)