Meet Aya :))

498 20 11
                                    

→ → → → Happy 13M sa SM miss Glimmer :)) Thank you at ibinahagi mo sa amin ang iyong kwento. → → → →

_______________

Aya and her Dream

_______________

“When we are dreaming alone it is only a dream. When we are dreaming with others, it is the beginning of reality.”

                                                                                                                                 -- Dom Helder Camara 

Masayang-masaya kami. Hawak ng napakagwapong lalaki ang aking mga kamay. Ramdam na ramdam kong mahal namin ang isa't isa. Palapit ng palapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinihintay ko na lang ang pagdampi ng kanyang mga labi na kinasasabikan ko. Halos maglapat na ang mga labi namin ng..

Bigla na lang siyang mawala..

Nawala na parang bula..

Iyak ako ng iyak nung nawala siya. Nawala siya ng hindi nagpapaalam sa akin. Iniwan na naman ako ng taong mahal ko.. Oo mahal ko daw ang lalaking nasa panaginip ko kasi ramdam ko yun. Ramdam na ramdam ko.

Hindi ko makita yung mukha niya kasi blured..

Minamahal ko ang lalaki sa panaginip ko na blured ang mukha.

Lagi na lang siya..

Ganun ang setting..

Ganun ang ending..

...and it's hurts me

→ → → → Aya nga po pala → → →

Im Shann Keianne Anderson Lee. 18 years of existence. My mom died when I was 2mos. old? Nasa 20's pa lang si daddy nung dumating ako sa buhay niya at nung namatay si mommy. Mahirap para sa akin ang lumaking walang ina thou may kinalakihan naman ako. Si Mama Gelai ang mama ng aking bestfriend na si Kamilla Cade pero namatay din ito sa isang car accident, two year ago.

May naging boyfriend ako noong HS days pero namatay din siya dahil sa gang fight. Napuno ng galit ang puso ko sa mga taong pumatay sa boyfriend ko.

Ang gusto ko lang ay gumanti.

Gumanti sa pumatay sakanya. Dahil sa ginawa nilang yun kalahati ng buhay ko ang kinuha nila sa akin. Bukod kasi kay daddy sakanya lang ako kumukuha ng lakas para makipaglaban sa sakit ko.

Hindi pa ba sapat na kinuha nila sa akin ang mommy ko at ang tinuturing kong mommy? Pati ba naman yung lalaking pinakamamahal ko kinuha sa akin. Sana nga ako na lang ang kinuha para hindi na ako maramdaman ng sakit.

Kaya kung sino man yung lalaking blured sa panaginip ko SANA huwag na lang siyang magpakita sa akin.

Huwag na lang siyang dumating sa buhay ko dahil sa panaginip ko malinaw pa sa sikat ng araw na iiwan din niya ako.

KUNG dumating man siya. Kaya ko bang baguhin ang nakatakda sa amin.

Alamin niyo yan sa mga susunod na kabanata.

**N e x t . . .

Lies Marriage [hiatus]Where stories live. Discover now