#02 [Where is he?]

287 16 3
                                    

 →  → Dedic ko sa'yo ulit. Hindi ko alam kung ito pa ba yung chapty na nadedic ko saiyo. Naerase kasi yung dati eh.

______________

Chapter 2

_______________

Pinatay ko na kaagad yung tawag dahil nagpunta ako kagad kay Ate Nurse.

“Ate Nurse, pwedeng pabantay po si kuya. Alis lang po ako kasi may emergency lang po sa bahay namin.. Balik din po ako after 2hrs. Kapag nagising na po siya Ate Nurse huwag mo po siyang paaalisin ha, babalik po ako.” pakiusap ko kay ate nurse with matching puppy eyes pa.

@_@

Gumana ka. Gumana ka pleas..

“Urgent ba yan?” nagtatakang tanong niya. Hindi ba epektib yung puppy eyes ko?

Ate mukhang hindi ba ako kapanipaniwala? Eh sa ganda kong 'to. Pasensya ka na ha ate, urgent lang po talaga. Hindi ko naman ipapabantay yun kung wala akong kailangan puntahan. Patay kasi ako kay daddy kapag hindi ako nakapunta.

“Oo eh ate nurse, urgent na urgent po talaga. Please ate nurse pakibantay po siya.”

“Okay, pasalamat ka gwapo siya.”

Gwapo ba yun? Hala si ate nurse may crush yata kay kuya.. Hoho \O/

“Salamat.” nagsmile muna ako sakanya para alam niyang sincere ako.

Tumakbo na ako palabas ng hospital.

Nagpara na ako kaagad ng taxi.

Hala! *tingin sa wrist watch*

Patay na ako kay papa nito. Late na ako sa dinner namin.

*poke.poke*

Bakit ko ba kasi nakalimutan?

***

“Im home.” sigaw ko.

Nasan sila? Iniwan ba nila ako.

“Im home ka dyan.”

Si Kamilla Cade Alcantara nga pala kapatid ko, este kinakapatid ko pala. Feelers kasi ako. Hahaha. Samin siya nakatira minsan, ulila na kasi siya. Si mama Gelai kasi namatay sa isang car accident two years ago tapos yung tatay naman niya, walanghiya hindi sila pinanindigan.

“Aish. Bakit mo ako ginugulat?”

“Sira ulo kang babae ka. Iniwanan mo na nga ako sa school kanina tapos late ka pa dumating kesa saken. Siguro kung hindi pa ako tumawag sayo baka hindi mo na naalala 'tong dinner..Pasalamat ka at hindi tayo sinundo ng driver mo kung hindi patay na naman tayo sa daddy mo.”

Ayan na naman po ang machine gun niyang bunganga.

Daig pa niya si Nanay kung makasermon saken.

“Ayan ka na naman sa machine gun mong bunga-- Araaaay. Masakit yun ha.”

Tama bang batukan niya ako ng pagkalakaslakas.

Daig pa niya ang amazona eh.

Hala ano yan.

Bakit ganyan siya makatingin.

“Hoy anong problema mo tol? Makatingin ka saken para mo na akong hinuhubaran.”

“Gaga, feeling mo naman. Dali magbihis ka na, hinihintay na nila tayo niyan.”

“Ha? Hindi ka pa nagpakita sakanila?”

Lies Marriage [hiatus]Where stories live. Discover now