Chapter 1 "My Bestfriend and her Lover"
Shiella's POV
Nag lalakad ako sa quadrangle ng biglang may nag back hug sakin
"Good morning, bestfriend!" bati sakin ni Wendy
"Good morning din" bumitaw siya sa pag kakayakap at humarap sakin "Tara! Pasok na tayo" nauna na kong nag lakad sakaniya
"Sige. Mauna ka na, inaantay ko pa kasi si JD eh." napalingon ako sakaniya, nag kakamot siya ng ulo niya
Unconciously napa higpit ang hawak ko sa kamay ko..
JD na naman.
Bwisit!
I flash her a fake smile "Ay sus! Sige na nga. Balitaan mo ko pag hinawakan ka nun!" pinakita ko sakaniya ang kamao ko "Lagot siya sakin!" tumawa siya ng mahina "osha! Babuuush~"
Pag katalikod na pagkatalikod ko ay nawala ang ngiti ko..
Simula nang naging sila ni JD, wala na kong naramdamang friendship towards Wendy..
Wendy Alve, my bestfriend since 4th grade. Isang masiyahing tao. Isa din mapagpanggap na tao.
Bakit?
Si JD. Ang long time crush ko. Nung malaman ni Wendy na crush ko si JD, gumawa siya ng paraan para mapansin niya ko. But it turns out the other way around.. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Wendy kay JD, pero nalaman ko na lang na sila na.
"Best!" tawag ni Wendy sakin na ngiting ngiti "Grabe, Ella! Kinikilig ako”
"Bakit?" kunot noong tanong ko
Bigla niya kong niyakap, ang di ko alam, ang mga sasabihin niya pala ay makakasira ng mundo ko..
"Kami na ni JD, best! Please be happy for me.." hinarap niya ko. Ang masaklap pa dun... "Crush mo lang naman si JD, diba? Ako kasi.. Ay, hindi. Kami kasi mahal namin ang isa't isa"
Hindi, Wendy. Nagkakamali ka, mahal ko na JD.
Gusto ko yan sabihin sakaniya, pero walang kahit isa na salita ang lumabas sa bibig ko..
"Ah. Oo naman.." niyakap ko siya at pilit wag umiyak "M-masaya ak-ko para s..sayo"
Ilang gabi ako iyak ng iyak dahil dun. Tuwing papasok naman ako, iniiwasan ko si Wendy, buti na lang at lagi niyang kasama si JD, dahilan din para di niya ko mapansin..
Habang tumatagal may nabubuong hatred sa puso ko.
Di ko alam kung bakit, pero masakit kasi eh.
And its been 3weeks since naging sila, pero para sakin parang ilang taong sakit ang pinaranas sakin.
Sobrang sakit.
Di ko namalayang nasa tapat na ko room ko. Pumasok na ko at halos lahat ng classmate ko napatingin sakin
"Bakit ka naiyak?" naiyak? Napahawak ako sa cheek ko. Oo nga, naiyak na pala ako..
Ngumiti ako sakanilang lahat "di ko din alam eh! XD" tumawa ako
Pag katapos nun, binaliwala na ulit ako ng classmates ko.
Naupo na ko at yumuko sa desk ko..
Naninikip nanaman yung dibdib ko..
"Forte? Shit! Forte!"