Hello, September.

30 0 0
                                    

"Uy, Kayth! September na bukas ibig sabihin, uuwi na naman sina Jhelo dito diba?" Tanong ng kaklase kong si Tinay.

Ang tinutukoy niyang Jhelo ay yung anak nina Mr. Michael Angelo Buenavista at Mrs. Odessa Buenavista na isa sa may pinaka malaking naitutulong sa aming bayan. Marami silang pagmamay-aring lupa na sakahan ng mga ilang pamilya dito sa amin. Mabait sila at mapag kawang gawa, kahit na mayaman e, simple pa rin sila at hindi mapag mataas.

Tinanguan ko si Tinay. "Oo, magba-bakasyon na naman sila dito." Saka siya tumili at hinampas ang braso ko. Tss.

Tuwing sasapit ang buwan ng setyembre ay nagbabakasyon sa aming bayan ang pamilyang Buenavista. Parehong nagh-home schooling ang dalawa nilang anak kaya pwede silang magbakasyon ng isang buong buwan.

Sa totoo lang, naiirita ako dun sa Jhelo na yun. Lagi na lang kasi siya ang bukam-bibig ng mga kaklase ko. Jhelo dito Jhelo doon. Oo nga't gwapo siya, matalino at mayaman pero wala akong pake dun! Nabubwisit pa din ako sa kanya!

Flashback~

"Ikaw, Kayth. Sino crush mo?" Tanong sa akin ni Arjay.

Nakaupo kami nina Arjay, Tinay, Nix at Jhelo sa lilim ng puno malapit sa fishpond ng mga Buenavista. Naglalaro kasi kami ng Truth or Dare, at Truth ang pinili ko. Naramdaman ko ang pamumula na aking pisngi sa tanong niyang iyon.

"Ikaw ang crush niyan Kuya Arjay!" Bulgar ni Jhelo. Nagulat ako sa isiniwalat niya.

Naikwento ko kasi sa kanya na crush ko si Arjay. Hindi niya ito kuya, pero dahil mas matanda ng dalawang taon sa amin si Arjay ay tinatawag niya itong kuya. Kahit sina Tinay at Nix ay Kuya Arjay din ang tawag sa kanya, pero ako hindi. Ayokong tawaging kuya ang crush ko.

Pinagkatiwalaan ko siya. Sikreto namin yun, pero ngayon sinabi niya!

Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang pinipigil ko. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa pagsabi ni Jhelo na si Arjay ang crush ko.

Tumayo ako at nagtatakbo hanggang sa makauwi ako sa amin. Nagkulong ako sa kwarto ko at dun binuhos ang inis ko!

End~

Simula nun ay hindi ko na kinakausap si Jhelo kahit okay na kami ni Arjay, hindi naman daw big deal yun sabi ni Arjay at crush lang naman daw. Lumipat na rin naman sina Jhelo sa Maynila kaya hindi na talaga kami nagkaka-usap. Limang taon na rin naman ang nakakalipas simula noon, kami nina Tinay at Nix ay 3rd year highschool na, samantalang si Arjay naman ay nagseminarista dahil gusto niyang mag-Pari.

Naabutan ko sa sala ng bahay namin si Mama at si Aling Mileth na nagkkwentuhan. Nagmano ako sa dalawa. Si Aling Mileth ang naiwang kamag-anak ng mga Buenavista dito sa aming bayan, ang iba naman nilang kapatid ay kung wala sa Maynila ay nasa ibang bansa at dun nagne-negosyo.

"Tignan mo nga 'tong anak mo, Leanna. Dalagang dalaga na!" Ngumiti ako kay Aling Mileth.

"Oo nga. Ang bilis ng paglaki ng anak ko." Pagddrama ni Mama habang pinagmamasdan ako.

Dumiretso ako sa kwarto ko at nagpalit na damit. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa harapan ng salamin. Dalaga na nga ako. Naging firm ang pangangatawan ko mula sa bilugang katawan noong bata pa ako. Medyo tumangkad din ako. Mahaba na rin ang buhok na may pagka-kulot sa dulo. May mga nanliligaw sa akin ngunit hindi ko naman pansin kasi pakiramdam ko masyado pa akong bata para makipag-boyfriend.

Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Papa mula sa labas. Kakain na daw kami ng hapunan. Sakto namang natapos ko na ang mga homeworks ko.

Pagkatapos naming kumain ay nanuod kami ng T.V sa aming sala. Nakakainip minsan dito sa bahay dahil wala naman akong kapatid. Sina Mama, Papa at Lola lang ang kasama ko dito. Minsan naman ay dinadalaw ako ng pinsan kong si Nix at nanunuod ng kung ano-ano sa youtube.

Hello, September.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon