Hello, September.

14 0 0
                                    

Kasabay ng pagtatapos ng buwan ng setyembre ang pagtatapos din ng kung ano mang meron kami ni Jhelo. Binigyan niya ako ng regalo kahapon para sa birthday ko ngunit hindi ko iyon binuksan. Nakalagay ito sa isang parihabang kahon na may pulang ribbon. Nagkaron lang ng maliit na handaan, dumalo ang mga malalapit na kamag-anak at iilang kaibigan.

Masaya ako nung araw na yon. O niloloko ko lang ang sarili ko? Alam kong may kulang. Sa loob-loob ko ay may masakit. Ang puso ko.

Lumipas ang isang buwan na walang Jhelo na nagparamdam sa akin, sa text man o sa facebook. Mas okay na rin siguro yun para gumaling ang sugat na ginawa niya. Sa nararamdaman ko ngayon, parang mas gusto ko pang maramdaman ang sugat na nakikita ko kaysa sa sugat sa puso ko.

Bakit mas masakit ang mga sugat na hindi nakikita? Bakit mas matagal din itong gumaling? Siguro dahil wala naman gamot na pwedeng inumin para maibsan ang sakit ng puso. Walang pain killer kumbaga.

Buwan na ng Disyembre ngayon, ramdam ko pa rin ang sakit na naramdaman ko kay Jhelo. Parang kahapon lang naman kasi nangyari ang lahat.

"Nix. Anong plano mo sa sembreak?" Tanong ko kay Nix habang busy sya sa pagsusulat.

"Wala pa. Ikaw?"

"Gusto ko sana pumunta don sa may burol. Yung sa may dating bahay nina Tita Julie." Sagot ko sa kanya. Nmi-miss ko na ang lugar na iyon. Perpekto ang panahon ngayon para magbakasyon don. Malamig ang simoy ng hangin at simpleng pamumuhay. Sariwang mga gulay at prutas na ikaw mismo ang mag-aani.

Sinara niya ang notebook niya at ibinalik sa kanyang bag bago ako nilingon. "Punta tayo? Maganda nga doon. Nami-miss ko na din."

Naglalakad na kami pauwi habang sinasariwa ang mga alala sa burol na iyon nung mga bata pa kami. Ayaw ni Nix magpunta noon don, dahil hinabol siya ng mga bubuyog nung minsan namimitas kami ng mangga. Siguro pumayag lang sya ngayon dahil alam nyang kailangan ko ng bagong environment kahit sandali lang. Isang lugar kung san walang alaala ni Jhelo.

Dumating ang araw ng semestral break. Pinayagan kami ng mga magulang namin na doon gugulin ang mga araw ng sembreak. Medyo nag-alangan pa silang payagan kmi dahil wala daw kaming makakasamang matanda. Wala na kasi don sina Tita Julie, nasa Singapore na kasama ng buong pamilya nila. Buti at nakuha naman namin sila sa pakiusap na may kasamang iyak. Seryoso.

"Kayth. Mag-iingat kayo don. Kapag nagka-problema ay tumawag kayo kaagad." Bilin ni papa sa amin nina Nix.

"Opo, pa. Wag na po kayong mag-alala. Malalaki na po kami."

"Naku. Bata ka. Hala! Sige, mag-iingat kayo, Apo." Pahabol naman ni Lola.

Nagbeso ako kay Mama at Lola bago sumakay sa jeep.

Hinatid kami ni Papa sa bahay nina Tita Julie. Malinis naman dito dahil minsan sa isang linggo ay pumupunta dito si Papa para maglinis. Konting walis lang dito ay okay na.

"Tinay, nag-reply na ba si Arjay?" Tanong ko kay Tinay habang nilalapag namin ang mga bitbit namin sa sala.

"A-ahm hindi pa." Nag-iwas siya ng tingin at lumingon kay Nix. Nagkibit balikat na lang ako. Weird nito.

Abala kaming lahat sa pag-aayos at paglilinis ng bahay. Nagpaalam naman si Tinay na pupunta sa likod bahay kung san maraming tanim na mga gulay at prutas. Kukuha daw siya ng makakain namin. May maliit din na fishpond dito kaya maari kaming mamingwit ng isda. Ayoko naman na puro gulay at prutas lang ang kainin sa loob ng isang linggo, no! Pingbaon din kami ni Mama ng bigas at ilang delata ng corned beef, para kung sakali daw na magsawa kami sa mga pagkaing makukuha dito ay may makakain kami.

Nang matapos na kami at nakapag pahinga na, nagpa-lingas ako ng mga tuyong kahoy para makapag-ihaw. Namingwit si Nix kanina at nakahuli ng mga isda. Kinaliskisan niya ito at nilagyan ng sibuyas at kamatis na nakuha ni Tinay kanina sa likod ng bahay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hello, September.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon