Chapter 3

44 3 1
                                    

Peter's POV

Kumakain kami ngayon nila mama at papa,kasama rin namin si Sherwin. Actually,pinsan ko sya. Pareho kaming nag handle ng kumpanya.

"Oh,kamusta naman ang unang isang buwan nyo?Alam nyo mga bata,pag butihin nyo. Ilang araw na lang ay aalis na kami. Kayo ang maiiwan dito,"sabi ni papa habang tumatawa.

"Ayos lang naman tito,madali lang naman ang trabaho para sa amin,"sagot ni Sherwin.

"Haha,alam kong kaya nyo 'yan,"sabi ni mama.

"Eeehhh!Kuya ang daya mo eh!Bakit ayaw mo 'kong papuntahin dun hotel?Yun na lang ang hindi ko napupuntahan eh!"

Tss. Ayan na naman ang spoiled brat princess namin. Well,as obvious naman,kapatid ko sya. Nag-iisa kong kapatid. Si Angel Rhaine Wang.

"Tss. Para ano?Mag papasikat ka sa mga empleyado tulad ng parati mong ginagawa? Magpapaka VIP?"sarcastic kong tanong.

"Uh. Tama ang kuya mo,dun ka na lang sa iba nating mga hotel and resort,"sabat ni papa.

"Ah basta!Kapag may time ako pupunta ako don!"

"Ipapa ban kita."

"Eehhh!Kuya you're so KJ!!"

 

Muntik na namang mauwi sa madramang usapan ang dinner namin. Pero bago pa mangyari yon,umalis na kami ni Sherwin at pumunta sa may pool.

"So,how's the girl?"tanong ko.

"Hmm..?The young lady?" balik tanong nya.

"Tss. Who else?Na background check mo na ba?Kailangan ko 'yon,"for my revenge.

 

  

"Oh yeah..Natalie "Dara" dela Cruz. 22 years old. Adapted at walang permanenteng tahanan,parati kasing nag lalayas. All her records are good. She's also a good employee. Natatanggal lang sya dahil pride at katapangan. Sa last work nya,natanggal sya dahil nakipag bastusan sya sa manager nya in term of 'barahan.' Napahiya yung manager kaya sya tinanggal."

"I see,mukhang madali lang naman syang pahirapan," komento ko.

"Alam mo Andrei,kung ako sayo,hindi ko sya papatulan. Magaling sya. At kapag napikon ka't tinanggal mo sya,ikaw ang lalabas na kawawa."

"Shut-up. Akala mo ba mag papatalo ako?Isang Peter Andrei Wang ang kaharap mo Sherwin."

Nag smirk ako kay Sherwin na natawa na lang sa sinabi ko. Huh,let me see young lady. You'll be my next,lovely human toy. I can't wait to scrimmage with you.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Barahan QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon