Natalie's POV
Umiiyak akong lumabas ng bahay namin.
Bahala sila. Bahala na si batman. Hindi sila kawalan sa akin! Baka nga sila ang magmakaawang bumalik ako sa kanila kapag wala na silang makain.
Magaling lang sila kapag wala akong maiharap na pera. Pero kapag madami ako no'n,para silang mga tutang buntot ng buntot at napaka amo.
Pumara akong taxi at sumakay ako doon. Pati mga gamit ko hindi ko nadala! Buwisit kasi yung mga 'yon eh! Gusto lang nilang angkinin ang mga gamit ko eh! Lagot sila kapag nakita na ako ng tunay kong mga magulang.
"Saan tayo miss?"tanong nung driver.
"Sa impyerno!"irita kong sagot.
"Okay,huwag kang magseat belt para mapabilis,"sabi nya.
Napatingin ako sa driver. Binata pa at mukhang loko! Naka smirk pa talaga.
"Sa South hills subdivision," sagot ko sabay seat belt.
Sira ulo tong lalaking 'to!Ni hindi man lang magpabiro.
Habang nasa biyahe pa kami ay nagsalpak muna ako ng head phone sa tenga ko. Syempre naman,alangang sa bunganga ko. Testing nyo kaya.
Nang pumasok kami sa subdivision ay tinuro ko sa kanya yung bahay saka ako nagbayad. Pagbaba ko,yung siraulong highschool student atang driver nag flying kiss.
Pasalamat sya wala na ako do'n kundi ngudngud yung nguso nya sa manibela nya!
Nagdoor bell ako ng nag door bell sa pinto ng best friend ko. Buti pa 'to eh,nauuwian ko.
Nagulat ako ng buksan ng isang lalaking topless ang pinto.
"Rapistttt!!!!!"sigaw ko sabay sapak doon sa lalaki.
Tumakbo ako papanik sa kwarto ng best friend ko. Huh!Buhay pa sya,salamat naman.
"Anong nangyari do'n?"tanong nya.
"Huh?Hindi ka ba na rape?May binugbog akong rapist do'n eh,"sagot ko.
Mabilis syang bumaba at sinilip yung sinasabi ko.Sumigaw sya ng,"Naku kuya sorry!Dodoblihin ko na lang yung bayad sa inyo.Pasensya na talaga."
Tiningnan ako ng masama nung lalaki. Tss. Ewan sayo!Mainit ang ulo ko!Baka gusto mong patayin kita!
"Ano ka ba Dara?!Yun yung gumagawa do'n sa sira kong lababo!Bakit mo binugbog?!" sigaw ni Shen pag-alis nung lalaki.
"Malay ko ba?Nakahubad eh,pawis na pawis pa."
Napahawak na lang sa ulo nya si Shenalie saka umupo sa sofa nya at nanood ng tv. Sumunod na lang ako at kinagatan ang mansanas na nakuha ko sa mesa nya.
"May lason yan Natalie,"seryoso nyang sabi.
"Ayos,sa impyerno na bagsak ko,"sagot ko.
Tss. Don't you worry. Sana'y kami sa ganitong usapan nyan. Ako hindi nya natatakot,pero kapag ako ang nanakot..never mind.
"Ano na naman yang problema mo at gusto mo nang mamatay?"tanong nya na parang sawang sawa na.
