venice's pov
"Mama. aalis na po kami. ingat po kayo ha?"
"o sige. pakabait kayo ha?"
"opo ma." sabay nilang sabi.
i'm jaime venice lopez.
a mother of two. twins. both boys.
i raised them alone.
bakit?
dahil hindi naman alam ng tatay nila na nag eexist sila sa mundo.
selfish ba?
hindi.
bakit?
ilang beses kong sinubukang sabihin sa kanya pero hindi siya naniwala. hanggang sa nagkahiwalay kami ng landas.
wala na akong balita sa kanya. sa pamilya nila.
masaya na ako sa piling ng mga anak ko.
hindi man kami buo pero at least kuntento kami.
afternoon
"ma. dito na si ken pogi." sabi ni ken
"ma. andito na yung mas poging si zen." sabi naman ni zen.
napatawa na lang ako sa kanilang dalawa. ganyan sila palagi sa kin.
pagbaba ko at pagkakita nila sa akin, agad silang tumakbo at sabay na humalik sa pisngi ko.
"kayo talaga. haha" sabi ko. nagkulitan lang kami.
naalala ko tuloy yung mga panahong nakikipagkulitan ako sa tatay nila. lalo na yung una naming pagkakakilala.
flashback
second year high school.
naglalakad na ako pabalik ng classroom. galing akong library.
habang naglalakad ako, pakiramdam ko talaga may mga matang nakatingin sa akin. hindi ko na lang pinansin.
papasok na ako ng classroom ng biglang may humarang sa daraanan ko.. isang lalaki.
"excuse me." sabi ko pero hindi pa din siya umaalis.
"ugh. excuse me. dadaan ako." pero hindi pa din siya umaalis.
naiinis na talaga ako.
"padaanin mo na ako kuya. please lang." sabi ko na medyo may diin na dahil naiinis na ako.
"kuya?"
"oh? anong gusto mong itawag ko sayo?"
"hmm."
"ugh. nevermind. padaan na." at lumakad na ako.
pero bigla niyang hinawakan ang braso ko at nagsalita.
"mike. just call me mike. ge. bye. bye jaime venice."
at umalis na nga siya.
umupo na ako sa upuan ko. napaisip ako. bakit niya alam ang pangalan ko?
napatungo ako at biglang napatingin sa i.d. ko.
"ahh." sabi ko ng mahina.
kaya baka niya nalaman kasi nakita niya sa i.d. ko.