sabado ngayon at wala akong pasok. wala ding pasok ang kambal ko.
"ah. ma. pupunta dito si cha. ok lang po ba?" parang medyo alanganin pang tanong sa akin ni ken.
"oo naman. bakit hindi?" saka ako ngumiti sa kanila.
"nako ma. madaming babae yan si ken. hindi lang si cha. nakita ko yan nung isang araw may kaharutang babae. hinalikan pa ata. nako nako. pagsabihan mo nga yan ma." sumbong naman ni zen
napakunot naman ang noo ko.
"totoo ba yun ken? ha?"
"ma naman. naniniwala ka kay zen? alam mo namang good boy ako. saka anong ibang babae pinagsasabi mo? si cha kaya yun." depensang sagot naman ni ken
nakakatuwa talaga silang panoorin.
"ma tingnan mo oh. sinusuntok ako." sumbong ni zen
"tigilan niyo na nga yan. anong oras ba pupunta si cha?"
"mga 11 po ma."
"ah. okay. eh ikaw zen? bakit parang hindi na ata napunta dito si eunice?"
"hahahaha. nako mama. yan. yan ang laging madaming kaharutan na babae. nahuli kasi yan ni eunice na may ibang babae tapos magkayakapan pa sila." tatawa tawang sabi ni ken
"totoo ba yun zen? ha?"
"m-ma. h-hindi ah. kung ano ano lang mga sinasabi ni ken."
"sige na. maniniwala na ako dahil nauutal ka. haha."
"mama naman eh. *sigh* may shoot po kasi kami nung time na yun. tas ung scene eh kailangan kong yakapin ung babae. sakto namang dating ni eunice. akala niya nilokoko ko siya. nagpaliwanag naman ako eh. kaso hindi siya nakikinig. tapos lagi pa siyang naiwas."
"haay nako. binata na nga talaga ang anak ko. konting suyo pa at konting tiis pa anak. magiging maayos din ang lahat."
"alam ko po ma. kaya nga po hindi pa din ako natigil paghabol sa kanya eh."
"tama tama. o siya siya. magluluto na muna ako. anong oras na din naman kasi."
--------------------
nakakatuwa talaga ang mga anak ko. lumalaki na nga sila. naaalala ko sa kanila ang kabataan ko.
yung mga panahong isang hamak na high schooler lang din ako.
yung panahong may love life pa ako.
yung tipong laging may lq pero konting suyuan lang eh bati na agad.
flashback
time goes by. it started with us being friends. later on he admitted that he was in love with me. he courted for months until i gave him my yes. the smile on his face made me smile too. making me realize that i've made a right decision.
we're on our way for our first date when suddenly his phone rang.
commute lang kami dahil wala naman siyang sasakyan kahit mayaman sila. he's too young for cars at alam naman niya yun.
"hello ma? ah. opo. magkasama po kami ngayo. sige po. bye."
"bakit tumawag si tita?"
"wala. tinatanong lang kung nasaan ako saka sinong kasama ko."
"ah. kala ko naman kung ano. haha."
namasyal lang kaming dalawa. tamang hang out lang.
picture dito. picture doon.
habang nakain kami, pansin ko na kanina pa siya tingin ng tingin sa pbone niya. may katext ata. mejo naiinis na nga ako eh.