Tulong

25 1 0
                                    


Matapos ang malakas na pagsabog,heto kami ngayon nasa loob pa rin ng elevator at natatabunan ng mga guho,Nang kami ay magkamalay ay pinakiramdaman namin ang mga katawan kung meron bang pinsalang dulot samin ang pagsabog,at salamat sa diyos ay wala naman kaming natamo maliban sa sakit ng katawan dulot ng pagsabog at pag guho ng building.

"Maswerte tayo at buhay pa tayo hanggang ngayon."sabi ko habang hawak ang aking ulo na medyo masakit pa.

"Pasensya na kayo,nawala ako sa katinuan ko kanina,hindi lang ako makapaniwala sa nakita at naganap satin" mahinang paghingi ng tawad ni dolfo.

"wala yun ang importante ay buhay pa tayo" ani gary na nakahawak sa bandang balikat.

"pero ligtas na nga ba tayo?" may pangambang tanong ng isang babae.

"oo nga baka nandyan pa yung mga nilalang kanina na sumugod satin" sabi naman ng isang babae na may kasamang anak na dalagita.

"Pakiramdaman muna natin ang sitwasyon bago tayo gumawa ng hakbang" sabi namin ni tony na minamasdan ang itaas na bahagi kung san lumalagos sa maliliit na butas ang liwanag galing sa labas.

"Jane ayos ka lang ba anak" narinig kong tanong ng babae sa kasama nyang dalagita.

"Im ok ma,i feel dizzy but i can manage somehow" sagot naman ng dalagita na ang pangalan pala ay jane.

"Dont worry iha,i will do anything to protect you" malambing namang sabi ng babae "

"Pst!" mahinang paswit ni dolfo habang nakasenyas ang daliri sa bibig na nagsasabing kami ay tumahimik.

Maya maya pa'y narinig namin ang tinutukoy ni dolfo,boses ng tao na tila may hinahanap..

"May nakita na ba kayong mapapakinabangan??!!" sigaw ng lalake sa labas.

"Wala pa,magtiyaga lang tayo haban .."

naputol ang sasabihin ng babaeng tinig sa labas ng biglang sumigaw si gary ng tulong.

"Tulong! tulungan nyo kami!!" sigaw ni gary.

"Kuya may tao! " narinig namin na sinabi ng babae sa kasama nitong lalake.

Agad naman kaming natunton ng nasa labas at agad na inalis ang mga batong nakadagan sa pintuan ng elevator.

Isa isa kaming tinulungang makalabas sa loob ng elevator,pinauna namin muna ang mga babae at nagpahuli na si dolfo.

Tama nga,isang babae na may maputi ngunit medyo marungis pero kung titignan ay maganda ito kapag naging malinis,at isang lalaki na malaki ang pangangatawan may maangas na tindig at may bendang nakatakip sa kaliwang mata nito.

"Anong nangyari sa inyo bakit kayo nasa loob ng elevator" tanong ng babae samin,

"Natrap kami" Sagot ko sa kanila..Nagtama ang mata namin ng lalake at para tong nakakita ng multo,pero agad din itong yumuko,napansin naman ito ni dolfo.

"Kilala mo sya?? tanong ni dolfo

"Hindi siya pamilyar sakin " sagot ko.

Nakita ng lalaki sa loob ng elevator ang dalang groceries at tinapay na dala ng nanay ni jane,agad itong bumababa at itoy kinuha.

"Nakahanap na ako ng pagkain,karen"sabi ng lalakeng may benda sa mata.

"Ayos yan bert" sagot naman ni karen.

Bigla akong natameme ng marinig ko ang bert na pangalan,naaalala ko bigla ang aking pamilya.Nakita ni tony ang ekspresyon ng aking mukha.

"Anong problema??" tanong ni tony

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TamawoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon