Chess (One Shot)

71 0 2
                                    

Maraming salamat at napili mo itong basahin :D I love you!

Chess (One Shot)

Eto nanaman. Walang kasawang-sawang cycle. Gigising, papasok, kakain, tutulog -___- NAKAKABAGOT NA HA?! WALA MAN LANG THRILL ANG BUHAY KO!

"Oy Lizeth! Umagang-umaga nakasimangot ka na agad. Ano pang 'good' sa 'morning 'mo kung bundok na agad ang taas ng labi mo!" Bungad sa akin ni Alexis. Babaeng 'to, porket wala lang si Rissa/bestfriend ngayon kaya wala siyang mapag-nanay nanayan! Hmp!

"Kailan ba nagkameron ng 'good' sa 'morning' kung parati na lang alarm clock ang nakikigulo sa panaginip ko" ganti ko naman sa kanya. Ano na kaseng nangyare kay Rissa?! T^T

"Ano naman napanaginipan mo?" sabi niya with matching yiiee-look. Mas maigi pa pala kung wala ngayon si Rissa kundi napagkaisahan na pala ako nitong dalawa T^T Ewan ko ba kung anong mas-maigi, andito si Rissa O wala?

"Si Jack Frost" sabi ko para inisan siya. Hehe, ready naman na ako kay Bagyong Alexis xD

Kumunot naman na ang noo niya.

"HOY BABAE! TUMIGIL-TIGIL KA SA MGA KASINUNGALINGAN MO DAHIL ASAWA KO NA SIYA KAYA WALA KA NANG MAGAGAWA AT HANGGANG PANAGINIP MO LANG SIYA!" sigaw niya na may kasamang pagturo sa akin. Wahahaha! Epic! Nag-rant na si Alexis xD

May sari-sariling mundo naman ang mga kaklase ko kaya wala silang pake kung magsigawan kami ng ganito. Plus, wala pang teacher kaya cool pa tayo dito.

"Pero diba? Sabi nila 'pag napanaginipan mo ang isang tao ibigsabihin ay nami-miss ka nila o laging iniisip ka nila diba?" sabi ko at agad naman siyang bumanat.

"Bakit? Pag ba napanaginipan ko si Dracula? Lagi niya ba akong naiisip?" ganti niya habang nakataas ang isang kilay. Sa totoo lang, ang hirap gawin nung isang kilay lang ang itataas mo. Tumawa naman ako sa sinabi niya.

"Oo na! Oo na! Wag kang mag-alala, meron naman na akong--"

"Roex?" sabat naman ni Elle.

"Ayiiiieee!" singit pa ni Carie. Mga tao dito, ba't pa kase nila pinag-pipilitan na may gusto ako kay Roex? Eh wala naman talaga! Nakakaiyamot na ha?

"Mga baliw! Meron na akong electricfan!" pagtatama ko sa kanila.

"Haha! Sige na iyo na si electricfan! Ex ko naman na yan! Dahil asawa ko na si Jack Frost!" Alexis

Haha! Mga baliw talaga kami, pati electricfan naging bf na din xP Ayos naman na yun dahil hindi magiging mainit. \(^0^)/

Nagdiretsuhan pa din kami sa aming pagkukulitan hanggang sa naging Lunch Time na. Tinanong ko si Alexis kung maglulunch siya at 'oo' daw.

"Gutom kase ako ngayon e" saad pa niya

"Ge. Balik ka a?" ako

"Siyempre!" sigaw ni Alexis saka lumabas na ng room kasama sina Elle at Carie.

Naiwan naman akong mag-isa dito sa classroom kasama si Roex. Di na kase siya lagi nag-lulunch kagaya namin nina Rissa at Alexis pero ngayon ay kumain naman si Alexis kaya ako na lang dito kasama si Roex. Di din kase kami ganun ka-close pero pwede na...

Pwede na ding close friends! Kayo ha?!

Kinuha ko na lang ang aking cellphone at saka naglaro ng games habang nakatapat naman sa akin ang boyfie ko. O! Kilala niyo na siya ha?! Baka kung sino pa naman iniisip niyo!

"Oy Liz!" nakinig ko namang tawag ni Roex pero di ako tumigil sa paglalaro. Walang pause e.

"Bakit?" tanong ko habang di nalingon sa kanya.

Chess (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon