Captured!
Theia Romero
First day of College.Late ako paano ba naman kasi masyado akong nasanay sa pagiging highschool student kaya eto late na nga ako sa first day of school ko tapos hindi ko pa alam kung saan ang room ng first subject ko!
New school , new environment , new faces mga hindi pamilyar sakin ang mga studyante dito kaya nahihiya naman akong magtanong.Mga nakakaintimidate pa ang hitsura.
Paano na to? Para na tuloy akong tanga na nakanguso dito at frustated na dahil di ko alam kung saan ako mag sisimula sa paghahanap sa lecheng room na to.
Lakad.. Lakad .. Lakad..
Ilang minuto din akong nagpaikot ikot hanggang sa mapagod ako at napagdesisyunan kong maupo sa bench malapit sa fountain.Nang makapagpahinga ako saglit ay bigla akong naengganyo na lumapit sa fountain.Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sobrang namangha ako sa design nito at isa pa ay dahil may mga bulaklak na nakapaligid dito.Weird but it's looks excellent for me.
Sabi ko na nga ba hindi ako magsisisi na Inner Circle and pinasukan kong university.
Biglang humangin ng malakas kaya nilipad ng hangin ang buhok ko inipit ko ito sa likod ng tenga ko at ngumiti.
*Click*
May narinig ako na shutter ng camera at hinahanap ko kung saan galing yun.Isang lalaking nakafolded longsleeve na hanggang siko ,maputi ,matangkad , at nakataas ang buhok ngunit hindi ko makita ang hitsura nya dahil sa DSLR na nakaharang sa mukha nya.
Teka ako ba pinicturan nya o feeler lang ako? Baka naman itong fountain sa likod ko? Siguro nga baka naappraciate lang din nya ang view.