Emma's POV
"Wayner Peñalosa, may girlfriend na nga ba?"
Napatingin ako kay kuya na pachill-chill lang sa sofa na nanonood ng TV habang ngumunguya-nguya ng chips. Yup, siya lang din naman yung issue.
"Kalokohan," sabi niya sabay palit sa kabilang channel.
Fake news. Galing gumawa ng rumor, may maissue lang. Oo, sikat na actor slash model kuya ko habang ako? hmm.
I'm Emma Cathrene Peñalosa. All my life, nakatago lang ako sa shadow ng kapatid ko. I'm homeschooled, tanging mga kaibigan ko lang ay sina Kuya at Manang Flom. Wala ng iba. Tinatago lang ako ni kuya from the media, ayaw niya daw ako mapahamak. Yung parents naman namin, error 404 not found. Sa totoo lang, nabuhay lang kami dahil kay kuya. Nagkapera kami dahil sa pag-aartista niya simula nung 7 years old pa lang siya. Siya na nag-alaga sa'kin sa tanang-buhay ko tsaka pati na rin si Manang Flom na naging guardian namin.
Aaminin ko, sobrang outdated talaga ako sa mga bagay na nangyayari sa labas. Shet parang pbb lang. Pero seryoso, tanging memes lang sa twitter nag-uupdate sa'kin.
Kung artistahin yung kuya ko, ako naman yung pinagbuhusan ng galit sa mundo boi. Walang confidence, wala talaga. : D Tanging kakyutan ko nalang daw yung natitira sa'kin tas di pa nga daw halata. T^T
Pag lumalabas kasi ako ng bahay, balot na balot talaga ko kasi ewan. Nasanay na rin ako magtago. Buy if given the chance, gusto ko talaga mag-explore sa mundo! Gusto ko magkaroon ng normal life kaso malabo...
"Emma," tawag ni Kuya.
"Po?" sabi ko naman.
"About dun sa sinabi mo sa'kin dating gusto mo maregular school..." napalunok ako bago pa siya makapagsalita ulit, "I already signed you up in a coed university."
WHAAAAAAAT?
Mukhang unti-unti nang kumaklaro yung kaninang malabo ha! WAAAH NAKAKAEXCITE!
BINABASA MO ANG
free data | soobin [UWU SERIES I]
ContoDate started: 02-09-19 Date finished: -- - -- - -- this is the first part of the uwu series! it's so nice to be back pOTA NEW STORY NEW ME NA BA TOH YAK JOHK Cover by: @chujinpaka THANK U SM AND I LOVE U SM! ♡♡
![free data | soobin [UWU SERIES I]](https://img.wattpad.com/cover/178131438-64-k683828.jpg)