Alice's P.O.V
Today is a wonderful day! Nasesense ko ngayong araw eh, reklamo niyo ba?
Feeling ko kasi ngayong araw makukuha ko ang inaasam - asam naming pangbayad ng apartment kung hindi sa dog house ang bagsak namin nito. Maganda naman ang dog house dito malapit sa apartment may malambot na sapin at puting pintura pero hindi kasi kami magkakasiya doon ni Brenda eh edi kung ganun palalayasin namin yung asong mag - ari ng bahay na 'yon at kami na ang titira ganun? Naku, kawawa naman yung aso kung ganun.
Atsaka, nangangati kamay ko eh, 'di ba nga sabi ng mga matatanda kapag nangangati daw ang palad ng iyong kamay siguradong magkakaroon ka ng pera. Kaya senyales 'to!
Pakatok katok pa ko dito sa kahoy, natawa naman ako. Money for me please!
Hanggang ngayon kasi nag - aantay pa din ako ng sahod mula sa aking pinagtrabahuhan sa aking partime, parte ko nalang kasi ang inaantay ni Brenda para mabuo ang ipangbabayad namin para sa apartment. Nag - iinsist man si Brenda na bayaran niya na ng buo ako naman itong nagpupumilit magbigay, nakakahiya din kasi lalo na sa magulang ni Brenda. Alam kong may kaya sila pero hindi ko pa rin pinapayagan, kaibigan ko si Brenda hindi taga - luwa ng pera kaya hanggang maaari sinasanay ko si Brenda na maghati kami kahit sa rent man lang ng apartment.
Mukhang gabi pa kasi ata magluluwa itong ATM ko ng pinaghirapan kong pera eh. Alam niyo naman ang patakaran ng mga ATM ngayon.
Ngayong araw din ang oras para sa lafang mga repapips! You know, lafang as is hindi ordinayong kain para sakin. Kapag sinabi ko kasing lafang ibig kong sabihin ay kain na parang baboy ganun.
Aba! hindi kaya kami nangkaroon ng pagkakataong kumain during break dahil dito kay Brenda, humaharot na naman kasi ata naubos ang trenta minuto na break pati na din ang isang oras na bakante ng oras namin kanina.
Kaya ngayon papunta kami sa cafeteria ng school upang kumain bago umuwi kahit lipas na ng kunti tapos na kasi lahat ng klase namin ni Brenda nang may mabangga ako.
BLAG!
"What the-- Can you please watch where you going?! Stupid." Reklamo nito. Diretso siya sa pagluhod para kunin ang mga dalahin na nahulog sa pagkabangga ko kaya hindi na din ako nagkaroon ng chance para makita ang itsura niya.
Medyo masungit kasi eh, napasalubong nga kilay ko dahil sa sinabi niya eh. Isa pang tawag niyang 'stupid' makakakita siya ng majin buu naku talaga.
Tinulungan ko siyang ligpitin ang mga nahulog na libro kaya naman napaluhod na din ako sabay nagpaumanhin sa kanya pero hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nagiinitialize na si majin buu.
"IKAW NA NAMAN?!/ YOU, AGAIN?!" Sabay naming sabi na medyo may kalakasan dahilan para magsilingon ang iba naming mga kaklase matapos naming ligpitin ang mga nahulog na libro at magkaharapan.
Ayan na lalabas na ng natural si majin buu.
Ito yung lalaking masungit eh. Kung minamalas ka nga nman oh.
"I was wondering kung sinong stupid person ang makakabangga sa maluwag na hallway na ito and no wonder it's you. Napakaingay na hindi pa marunong tumingin sa dinadaan." Majin buu? Ano? Okey ka pa ba? Ako hindi na eh, dadaganan ko na 'to anumang oras ngayon.
Nanatili na lang akong walang imik mahirap na eh, baka mamajin buu ko 'to naku mahirap na.
Kaso kasi pano ba kumalma? ang bastos eh!
Paano ba namang hindi, ikaw ba naman tingnan niya mula ulo hanggang paa. Animo'y nagmamasid at pi-physical check-up. Ako naman itong parang ahas na binabantayan kung ano ang susunod niyang gagawin.
BINABASA MO ANG
The Dumbest Girl On Earth (The dumbest girl you could ever have!) ONHOLD
Teen FictionNot a usual story you will ever read. Let us see the story of a dumb girl with a perfectionist guy that will change your perspective in life. The dumbest girl that will prove to you that being the dumbest is awesome because people like them is the...