sa 6th Floor (05)

57 3 1
                                    

Maagang nagising si Jane kinabukasan, dahil ganun nanaman 'yung nararamdaman niya. Kinakabahan na ewan. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi siya mapakali, hindi siya makakain. Bangag mode lang si Jane ngayon. Late na ngang matulog, ang aga pang nagigising. (Sana ganyan din ako ngayon... lol) 

SA SCHOOL

Jane: RISSSSSSSSSA!! T_T

Risa: Aba!! Nagbagong buhay na nga..

Jane:  Risa! Risa! Risa! Huuuuuy!! (#kinukulit 'yung kaibigan niya)

Risa: Oh, ano nanaman 'yan?

Jane: Si Alex kasi... may... (di na natuloy ang sasabihin)

Risa: Teka, teka.. Si "hi ate" ka text mo NANAMAN kagabi?

Jane: Anong nanaman? O.A?

Risa: Sus ikaw hah! Yihee! Tas you are calling him in his first name.. uuuuuy!!!

Jane: Gaga..

Risa: Oh bakit si Alex your labs? hahaha

Jane: Adik naman oh.. labs agad? tssss.. Hindi na nga... Hindi na ako magkkwento... :p

Risa: Ahahahaha. tampo nanaman si baby... hahaha, oh ano na, pakipot pa 'to eh... 

Jane: Sabi niya... ano... (mabilis na nagsalita bigla) crush daw niya ako...

Risa: Waaaaaaaaaa!! Sabi ko na eh! Bwahahaha! Ayan na! uuuuy! magkaka lab lyp na din ang aking inosenteng kaibigan.. hahahahaha

Jane: Ish! Istop it! Eh 'yun na nga eh... Gusto nga niyang makipag meet ngayon...

Risa: OH!!! Anong sabi mo?? Pag 'yan...

Jane: "sige" sabi ko..

Risa: Waaaaaa.. (#kilig)

Jane: Eh un nga eh... Ayoko... Ayoko na pala bigla.. T_T

Risa: ANO!?!?!?! 

Jane: Tssss.. Malay ko ba.. Malay natin rapist pala si "Alex" duh... 

Risa: Eh gaga ka pala eh.. Haaaay nako... Eh paano kung si "Alex" ay si "Riley" pala.. duh!!

Jane: Eh basta... Ayoko...

Risa: Ano 'yan? pinaasa mo lang? Ganun?

Jane: Hindi.. Hindi naman sa ganun.. Ampsssss..

Nag rin na ang bell at nagklase na sila... Hindi nagtagal ay vacant na ulit nila! Yehey! Sana ganito nalang lagi.. Vacant forever... Sakto naman na nag text ulit si Alex.. Sakto talaga lagi... Laging perfect timing... 

ALEX: Ate! :) May klase ka pa po?

Jane: Waaaa.. Jane.. Isip.. Isip ng rason...

JANE: Ammm.. Wala naman na, mamaya ulit, pero, may project kasi kaming ginagawa...

Risa: Anong project???

Jane: Shhh.. 'Wag ka ng kumontra...

Risa: Akin na nga 'yan! Akong magrereply... (#pilit na inaagaw ang cellphone kay Jane)

Jane: AYOKO!!! Belat! Na send ko na! Bwahahaha!

ALEX: Ay, ganun po ba? Ahhh.. sige po.. :)

Risa: Ish ka! Ish!!!! Hindi tayo bati ngayon hah... Pero samahan mo muna akong  bumili... (#sabay hila kay Jane)

Jane: :p

Pero kahit na ganun, na okey lang kay "Alex", hindi pa rin mapakali si Jane. Ewan ba niya. Napaka paranoid niya. Lahat ng lalaking dumadaan, nakikiramdam siya. Feeling naman nito. hahaha. haba ng hair mo hah.. Buong araw siyang ganun, at lahat ng text ni "Alex" ay dinidivert niya sa ibang topic or, gaguhan na kung gaguhan.

sa 6th FloorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon