sa 6th Floor (06)

103 2 3
                                    

salamat po ulit sa mga taong nagbabasa ng aking istory... :) Sobrang salamat salamat po!! AS IN!! ^_^ Kahit na ubod ito ng corny binabasa niyo pa rin po... salamat! 

=============================

"Pwedeng friends muna?" siguro isa sa pinaka masakit na salita na pwede mong marining mula sa taong mahal mo. 

Hindi na nagreply si Alex. Napapaisip tuloy si Jane kung tama ba 'yung nasabi niya. Ayaw niya kasi na nakakasakit siya ng damdamin ng tao. Good vibes lang dapat. :D HIndi rin nakatiis, nakonsensya yata, baka nagpakamatay na kasi si Alex.

JANE: Uy! Okey lang ka lang ba?

ALEX: Oo naman ate... :)

JANE: Haaay, salamat naman, kumain ka na ba?

ALEX: Wala akong gana eh...

JANE: HALA!! SORRY TALAGA!!!

ALEX: Bakit ka naman nag sosorry ate? Wala ka namang kasalanan ah. :)

MONOLOGUE NI JANE

Bakit ang bait mo? Nakakakonsensya naman oh! Pusang gala naman eh... Eh masama bang magpaligaw? Eh matanda naman na ako ah... lol... Eh hindi ko pa kasi 'to nakikilala. Pero sabi nga nila, doon daw nagkakakilala ang dalawang tao... Eh, masama bang i-try? Uso ang lokohan ngayon diba? Parang si kuya, niloko lang niya ung ex niya... Pero paano kung pumayag ako... Pero paano kung masasaktan din ako sa huli? Waaaaaaa.. Jane, ano ba? Umayos ka nga...

Matapos ang ilang minuto ng pagdedebate sa sarili.

MONOLOGUE ULIT NI JANE

Sige, ito... Kung masasaktan man ako in the end, walang may kasalanan kundi ako, dahil, ginusto ko din naman 'to... Oo, tama... Ito na... Wew... 

JANE: Alex, okey lang pala, kung trip mo...

ALEX: TALAGA ATE!?!?! Hindi 'to trip trip, seryoso ako...

JANE: Hahaha, oo... talaga, kung trip mo nga diba? lol

ALEX: Hahaha, salamat ate! HIndi nga 'to trip.. hahaha.. seryoso ako sa 'yo ate.. :D Eh paano ako manliligaw kung ayaw mong magpakita sa akin? Alangan naman sa text ako manligaw diba?

Booom!! Parang natamaan ng kidlat si Jane. Oo nga naman, alangan namang sa text. Uy pero mukang seryoso nga talaga 'tong Alex na 'to. 

JANE: Hahaha, sorry naman noh, malay ko bang baka rapist ka... lol

ALEX: O.o Hahahaha, ate talaga oh... Hindi naman ako masamang tao eh...

JANE: Eh mahirap na... hahaha... 

ALEX: Pwede na bukas ate? :)

JANE: Sige... Oo pwede na, haha

Nag-usap ang dalawa hanggang makatulog na si Jane. Oo bastusan lang, tinulugan lang niya si Alex. Sa wakas, nakatulog na rin siya ng mahimbing. Pagkagising niya, inspired siya. For the first time, nagkaroon siya ng love life. Grabe. Pero as usual, bangag nanaman si Jane. Gusto atang umatras doon sa usapan nila ni Alex na magkikita sila ngayon, pagkatpos ng morning class ni Jane.

SA CLASSROOM

Jane: Risa, ayoko na ata...

Risa: (#face palm) Mygad Jane, ano bang masama sa pakikipag meet?

Jane: Eh sa nahihiya nga ako eh...

Risa: Tsss, may hiya-hiya ka pang nalalaman, matapos mong makipag landian sa text.. bwahahahaha

Jane: Grabe naman 'yang term mo, "landian"?

Risa: Eh anong gusto mong term? Duh...

Jane: Tssss... Ish, ayoko na, dito nalang ako sa bintana lalabas mamaya..

*tunog ng bell na nag ring*

Dumating na ang oras na kinakatakutan ni Jane. For the first time, gusto ata niyang mag-extend ng bonggang bongga ang kanyang instructor. Nagsitayuan na 'yung mga kaklase nila at lumabas na sa room nila. Nagpahuli talaga si Jane at napansin naman niya na nauna talaga si Joseph na lumabas ng room, at parang may kausap ito sa labas. Kinakabahan ng sobra si Jane. Ito na. This is the moment of truth. !@#$% Makikita na niya si Alex.

Pasilip na tumingin sa labas si Jane, pero, tinulak din siya ni Risa. Fully exposed na siya, wala ng takas pa. Nagkatinginan sila ng isang lalaki na mahaba ang buhok, matangos ang ilong, maputi, na naka black na t-shirt, na naka black na pantalon na at naka black na skate shoes na may red na shoelace.  Parang namang nalaglag ang puso ni Jane sa kanyang nakita. Si Alex ba ito? Oh my gosh. Nga nga nalang ang nagawa niya. Natauhan nalang siya ng bigla siyang binulungan ni Risa.

Risa: Ang cute naman niya. sheeet.. crush ko na ata siya...

Jane: (#namumula na) Gaga... 

Nginitian siya ng lalaking ito. Nagpaalam kay Joseph at nilapitan na siya nito.

Alex: Hi ate! ^_^

Sa ngiti palang niya, parang matutunaw na si Jane. Sagutin nalang kaya niya 'to agad. Hahaha. Kinurot naman siya ni Risa sa tagiilran, at sabay nagpaalam, para naman mabigyan ng privacy ang dalawa.

Jane: Hi... (#nahihiyang sinabi, himala, humina bigla boses nitong babaent 'to) Kumain ka na?

Alex: A..ano? (#nilapit ang tenga kay Jane)

Jane: *ehem* Kumain ka na ba? Sabi ko...

Alex: Ah, hindi pa ate, tara kain tayo? ^_^

Jane: Si... sige... haha...

Alex: Anong oras pala next class mo ate?

Jane: Ammm, 2 pa naman... I..ikaw?

Alex: Wala na, hahaha..

Jane: Ah, edi uuwi ka na niyan?

Alex: Huh? Hindi ah, hihintayin kita ate... :D

Jane: (waaaaa, edi puro awkward moments nanaman mamaya... waaaaa... bakit ako kinikilig... @#$%) Hah? Hi..hindi na... Okey lang naman ako eh...

Alex: Hinintay kita, tas papauwiin mo lang ako? :(

Jane: (Oo nga naman Jane, duh! Amps, relax lang kasi...) Haha, sabi ko nga... Si... sige... haha

Hindi nagtagal, nakarating na rin sila sa place kung saan sila kakain. Nilibre siya ni Alex, kaya ayun, hiyang hiya na talaga siya. Pulang pula, hindi kasi siya sanay sa mga ganung bagay. May "i will make buhat of your tray para hindi ka mahirapan" effect pa kasi. Wala na, sumabog na si Jane. Habang nagkkwentuhan ang dalawa, may napansin naman siya. Isang babae at lalaking pa obvious na pinapanood sila. Hindi din naman siya pa obvious na alam niya na pinapanood sila nitong dalawang 'to. At tama nga ang hinala niya, si Risa at Joseph ang nag sspy kanila. Haaaay, style nila bulok. Mamaya magka developan pa 'tong dalawang 'to eh...

Jane: Ammm, Alex,  aware ka naman siguro na pinapanood tayo nung kaibigan mo at kaibigan ko noh? Hahahaha..

Alex: Hahaha, oo ate, kanina ko pa sila nahalata... Pa-obvious kasi masyado... Hahaha..

SA SIDE NILA RISA AT JOSEPH

Risa: Muka naman silang masaya... Lalo na 'yung si Alex

Joseph: Oo ah, one week ring tinitigan ni Alex 'yang kaibigan mo eh...

Risa: Tinitigan?!! One week?!?

Joseph: Ah basta... :D

=======================================

bwahahaha, kung natapos mo po 'tong basahin, CONGRATULATIONS!!! hahahaha... at syempre, SALAMAT DIN PO!!! as in!! suuuuper thank you! ^_^ once again, kung may nais po kayong iparating sa akin, or comments po para naman po ma-improve ko, sabihin niyo lang po... salamat!

sa 6th FloorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon