Prologue
PARA AKONG ibon, I travel from town to town dahil sa mga magulang ko
I transfer schools from one to another,
Pero hindi ko na lang iniintindi iyon ang mahalaga ay nandito na ako ngayon...
Heart Island, City of South
Nagtanung tanong ako sa mga tao roon tinuro nila kung saan ang ipinakita kong address matapos ay sumakay ako ng taxi.
Six years ago, minsan na din ako ditong tumira. Ito ang lugar na pinili ko para sa akin. This is where I will find that which I haven't up till now.
Nandito ako ngayon sa tapat ng gate, puro puno ang paligid kailangan pang umakyat nasa 50 steps na hagdan nagpatuloy ako sa pag akyat at pinag mamasdan ang paligid habang pataas ay matatanaw sa di kalayuan ang dagat.
"So ikaw si Hansel Ferrer?" bungad sa akin ng babae na naka-uniform, maganda ang ngiti, mahaba ang buhok na hangang waist at kasing asul ng dagat ang mata. "Ako ang student council vice-president, Erika Santos. As a school representative I would like to welcome you" sabay ngiti ng malapad inabot niya ang kanyang kamay palapit sa akin para mag offer ng shake hands.
"Welcome to Wattpad University" aniya ng naka ngiti padin. Hindi ko alam kung makikipagshake hands ba o hindi tila ako ay natigilan.
That which I haven't found up till now... this is where my new life begins. Dahan dahan ay inangat ko ang kamay ko para iabot sa kanya. "Nice to meet-" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nahawakan ko na ang kamay niya ngunit nagulat ako sa pagsigaw niya."Ah!" napaatras siya dahilan para maupo sa sahig.
"Ayos ka lang ba?" nagaalalang tanung ko tinignan ko siya sa mata
"O-oo ayos lang ako... wag ka magalala" sagot niya, namumula ang mukha niya at umiiwas ng tingin.
"Pero-" humakbang ako palapit sa kanya para tulungan sana pero siya naman ay umaatras
"Hindi, okay lang talaga ako!"
"Vice-President" napalingon kaming pareho sa lalaking tumawag sa kanya pababa ng hagdan naka sukbit sa bulsa ang kanyang kamay "Anong problema?" napalingon siya sakin "At sino siya?"
"Kiro, Good timing siya ang transfer student" tumayo sa pagkakaupo si Vice-President at nagpagpag ng palda "Naalala ko may kailangan pa pala akong gawin, kaya pwede bang ikaw na ang magturo sa kanya sa dorm?" pakiusap niya "Huh?" nagtataka si Kiro hindi na siya nakapag salita
"Salamat! You're a big help, oh paano salamat sa assistance" pinaglapat niya ang kanyang kamay na parang nagmamakaawa at dali dali siyang tumakbo.
"Diba dapat siya ang mag-assist sa akin?" habang papalayo ang dalaga
"Para saan yun?" nagtataka din si Kiro sinundan namin siya ng tingin "Kararating mo palang dito, and you've already done something, Transfer"
"Nagkakamali ka, ni hindi ko din iyon inisip, Mister student" paliwanag ko
"Interesting guy huh. Ako si Kiro Montgomery" inabot niya ang kanyang kamay niya
"Hansel Ferrer, Fifth-year student" ganun din ang ginawa ko, natigilan ako saglit nagaalangan dahil sa nangyari kanina
"Whats wrong?" nang aarok niyang tanong
"Ah wala naman"
--
NAPADPAD ang dalaga sa kagubatan hindi malayo sa school. Sumandal ito sa puno habol ang hininga at yakap ang kanyang sarili "Anong nangyayari sa akin?" tanong niya sa sarili "Ngayon ko lang ito naramdaman..."