Ilang araw na lang magsisimula na ang Valentine's Day, ito ang araw nang pagdiriwang nang mga puso. Magkakaroon na naman nang JS Prom, pangawalang beses na ito mangyayari sa kanila dahil tapos na sila nito nung third year, at fourth year na sila ngayon mangyayari naman, kaya lahat sila super excited pagkatapos mag anunsiyo nang guro nila.
OH My G! sigurado na ako kung sino ang partner ko niyan' pagmamayabang ni Jasmin habang sinuklay nang mga kamay ang kanyang buhok, tapos tiningnan pa niya si Santhy, Pagkatapos tiningnan naman niya si Aya. At kinausap nito ang mga kaibigang si Tanna at Bella, sila ang laging magkasama nito. Samantala si Aya naman ay isang beki ang kaibigan at ang pangalan nito ay si Terence pero mas kontento itong tawaging Terry.
'Hay naku my friend nagpaparinig naman ang babaeng yan' Sinabi ito ni Terence a.k.a Terry habang nakataas ang mga kilay nito. ' Naku my friend, hayaan mo na yun, ang wrinkles remember' Pagpapatawa naman ni Aya. Bumuntong hininga na lang si Terry at sinabi agad 'Palibhasa insecure sila sa kagandahan natin my friend' Pagkatapos nagtawanan silang dalawa nang palihim.
Lunch break time, Papunta na silang lahat nang canteen, pagpasok nila nang canteen sumunod din si Jasmin kasama nito ang mga kaibigan at nasa likuran din nito sina Santhy at Dexyl kasama nito ang ibang ka team niya.
Sina Aya at Terry ay nagsimula na mamili nang pagkain, samantala si Jasmin naman nakaupo na ito dahil sina Tanna at Bella ang komuha nang pagkain nito. Ilang minuto na rin pumila na sina Aya at Terry sa Kahera para magbayad nang kanilang inoorder. Sina Santhy at Dexyl naman pumili pa nang oorderin nito.
At nang matapos magbayad ni Aya nakakita agad ito nang bakanteng mesa at doon sa pinaka gilid. 'My friend dun tayo oh! pag aalok nito. ' Okay my friend susunod na ako' pagpayag naman agad nitong kaibigang si Terry or Terence. Pag upo ni Aya sumunod na rin si Terry. Habang papunta na rin sina Tanna at Bella dala-dala nito ang mga inorder, patungo sa ino upoan ni Jasmin at may isang bakanteng silya.
Mga ilang sigundo tapos narin magbayad sina Santhy at Dexyl, tumalikod si Santhy sa kahera habang tumitingin tingin sa loob nang canteen na tila naghahanap nang bakanteng lugar. Tumayo agad si Jasmin at inalok nito si Santhy. 'Santhy dito kana oh, may isa pang bakante' pag aalok nito. Tatanggi pa sana si Santhy ngunit biglang sumabat si Dexyl at sinabi agad 'Okay lang kami bro...dun na lang kami kay Aya, madami pang bakante dun.
Siniplatan ni Santhy si Dexyl 'Aish! ikaw talaga, kahit kailan nakakainis ka' pagrereklamo nito. Bro okay lang yan, mag-iingat kalang parang may gusto yan sa'yo' pang iinis naman ni Dexyl habang nakangisi ito.
BINABASA MO ANG
My 4th Year High School Life
Roman pour AdolescentsGusto niyo bang balik~balikan ang buhay estudyante nung High School pa ta'yo, nakakamis tuloy. Kung ganun samahan niyo ako kasama ang dalawang nagbibinata na si Santhy at nagdadalaga na si Aya. Alamin natin kung ano ang nangyayari sa kanila. Wagpong...