Nagsimula sa paghanga
Nasundan sa paniniwala
Paniniwalang parang lahat makukuha mo
Kaya pati ako nais siyang matamo,
Tumingin lang ako sa kanya
Parang hindi na ako makahinga
Ganyan ba talaga ang simula?
Nakasulyap lang siya sa akin
Parang nauubusan na ako ng hangin
Ang kaniyang mata ay parang bituin
Palaging nagniningning na ang hirap abutin
Siya ang komokumpleto ng mga araw ko
Kinikilig na parang may uhaw na puso
Sa tuwing may kasama siyang iba
Ayaw kong makita siya,
Nagseselos ako
Na parang may kami
Akala ko crush lang pero hindi pala
Ang nadarama ko ay higit pa sa inaasahan ko dahil dito ako masaya
Bakit ba ako nasasaktan pag may kasama siyang iba
Siya ang dahilan ng pag ikot ng aking mundo
Lagi nalang siya ang hinahanap ko
Siya lang ang gustong makita ng aking dalawang mata
Ano ba ang meron sa kaniya na napaakit sa akin
Siya ang nagpapatibok ng damdamin
Siya palagi ang nasa isipan
Ginawa ko na ang lahat upang akoy kaniyang mapansin
Dahil kung hanggang sa tingin
Ang puso ko ay bitin
At ang tanging hiling
Siya ay makapiling
Ngunit paano?
Paano ko siya makakapiling
Ni hindi siya makatingin sa akin
Ano ang dapat kong gawin
Dahil kahit ano, kahit paano
Kahit saan man ito patungo
Alam ko naman na hindi niya ako gusto.
BINABASA MO ANG
Mga Tula / Poems
PoetryEnjoy reading Ang mga Tula/ Poems ay hindi lahat galing sa akin! Ctto.