Pilipinas

20 2 0
                                    

Pilipinas

Aking inang bayan na kinalakhan
Alam kong ika'y dapat protektahan
Mula sa mga taong gusto kang saktan
At mga yaman mo'y pagsamantalahan

Hindi lang isa o dalawa ang sumubok sakupin ka
Dahil gusto nila sa kanila lang ang ating bayang kay ganda
At minsan ay nagmula pa sa sariling bansa

Kaya naman nakakagigil isipin na imbes na tayo'y magtulungan
Kapwa pilipino pa ang may hawak sa ating kamatayan

Tuwing naalala ko tuloy ang bawat sakripisyo
Sakripisyo ng mga pulis at sundalo
Para maisagawa ang kanilang pangako
Na protektahan ka mula sa masasamang tao,
Naiisip ko lang, kaya ba ng lahat ito?
Na ipaglaban ka hanggang sa bingit ng kamatayan
Na ipagtanggol ka kahit sa gyera'y walang alam.

Hindi.
Ngunit naniniwala ako na kahit
Sa gitna ng ilog na kay lawak,
Sa tuktok ng matayog na kabundukan
O sa ilalim ng madilim na karagatan
Lahat ng pagsubok ay kayang hamakin
Basta't hawak kamay nating susuungin
At hanggang ang pag-ibig sayo'y matibay pa rin

PoemsWhere stories live. Discover now