Itago nalang natin sa pangalang 'K' ang kakilala ko. Nakilala ko lang siya simula nung makilala niya yung lalaking magiging rason ng katangahan niya, este, lalaking mamahalin nya pala. Lol.
Kakilala ko kasi yung lalaking yun kaya medyo naging close kami ni K at kaya nalaman ko lahat ng kwento ng love story nila.
Baka isipin po ninyo na chismosa ako, hindi po. Mejo lang, chos! Pero si K po mismo ang nagkukwento kahit hindi naman ako nagtatanong kaya nalaman ko lahat lahat (sinisi ko pa talaga siya.lol). At para klaro po sa lahat, pumayag po siya na ikukwento ko sa inyong lahat yung story niya kasi ganun siya ka open na tao. (Nagpapaliwanag lang po. Lol.)
Nagsimula ang lahat sa chat. Hindi naman si K yung mahilig sa chatting kundi yung pinsan niya. Kaso ang lukaret niyang pinsan ay yung picture niya ginagamit habang nakikipaglandian sa isang Chat App.
Maganda naman kasi si K. Maputi at makinis. May mahaba at straight na buhok. May nunal sa kilid ng kanyang mata at labi. Sexy din ang pangangatawan niya. 5feet ang hieght at maayos din naman manamit. Sumali pa nga yun ng pagaent sa lugar nila kasi nga may ibubuga naman at nanalo siyang 1st runner up. Kaya naman marami ang umaaligid sa kanya dahil sa maganda na, mahinhin din siya kumilos at tahimik lang. Yung bang simple lang at wala masyadong arte at mabait din naman.
Kaya siguro yung picture niya ang ginamit ng pinsan niyang higad sa pag chachat para makaakit ng lalaki.
Hindi alam ni K ang kabulastugang ginagawa ng pinsan niya hanggang isang umagang naghihintay sila sa airport ng kanilang flight papuntang manila ay bigla nalang namutla si Kokoy habang nakatingin ito sa cellphone niya. Tinanong ni K kung anong problema pero hindi ito sumagot hanggang sa may biglang lumapit sa kanila.
"Excuse me miss. Hi, Im Jason. And pasensiya na pero kanina pa kita pinagmamasdan and sobrang familiar ka sa akin."
Nagulat si K sa paglapit nung lalaki, pero mas nagulat siya nung biglang sumigaw ang mahadera niyang pinsan na nanlalamig at namumutla na para bang nakakita ng multo habang nakatitig dun sa lalaki.