Bakit ba ang daming nagpapakatanga pagdating sa love? Porke't sinabihan ka lang ng 'I Love You' naniwala kaagad. I love you too agad. Hindi ba pwedeng mag isip-isip muna? (kahit 1min lang? Chos.!)
Kahit sa text lang nanligaw pag mag i love you na yung guy, sinagot na agad. Lalo na pag si crush. ay! nako! wala ng second, third at fourth thougths ay kayo na kaagad. Kahit bago lang magkakilala pag may dumiskarte lalo na pag gwapo, ilang araw lang na pacute, mag on na agad. Dinadaan sa mabilisan kasi nga na love at first sight daw..
Sabi nga ng iba, hindi daw ang ligawan ang pinapatagal kundi ang relasyon.. Well, at some point my tama din naman, pero importante pa din ang ligawan, dahil nandyan ang getting to know each other stage. Na makilala mo yung taong gusto mo o may gusto sayo.
Dun mo malalaman kung bagay ba kayo, kung gaano siya ka sincere sa feelings niya sayo, kung ano intentions niya kung mabuti ba o hindi, kung dapat ba maging kayo, at kung karapatdapat ba siyang paglaanan ng atensiyon, lalo na ng puso.
Pero nga, dahil na sa modern day tayo at sabi ng iba na uso na instant ay pati sa Love at relationship ay instant na din. Pero tanong ko lang.
Naging sucessful ba yung instant love mo?
Sana nga ay Oo.
Pero sa kakilala ko? Nganga!
Ang saklap nga eh. Minsan na nga lang ma inlove, malas pa. Parati ko nga sinasabi na ang tanga niya. Pero, tanga nga ba?