*Kisses POV*
Tinitigan ni Kisses ang sarili niya sa salamin. In more or less half an hour, magsisimula na ang isa sa pinakahihintay niyang gabi sa buong buhay niya. Magiging ganap na dalaga na siya! All her life, naiimagine niya kung ano ang magaganap sa gabing ito.
Sa totoo lang, naisip ni Kisses lately na mas gusto niya ang intimate na debut celebration kasama ang pamilya at mga kaibigan niya. Ngunit nasorpresa siya ng sinabi ng parents niya na magkakaroon siya ng engrandeng debut. Magrereklamo pa ba siya? Sobrang na appreciate niya ang effort ng parents niya at ng management.Dahil nga hindi niya alam na may inihanda pa lang debut celebration para sa kanya, hindi niya alam kung ano ang magaganap. Hindi siya naging hands on sa preparations kasi may gumawa na para sa kanya. Hindi niya rin alam kung sino-sino ang invited sa party niya. She just hoped na nandoon ang mga kaibigan niya galing sa PBB - sila ate Maymay, Edward, Marco, Yong, Christian, Vivoree, and the rest. Excited na siyang marinig ang mga messages ng mga kaibigan niya. Excited na siya sa food na inihanda. At, especially, sa 18 Roses niya.
Hindi niya kailanman inamin sa iba pero she is looking forward for her last dance. Sa puntong ito, hindi pa niya alam kung sino ang last dance niya. Malamang si Marco, sabi niya sa sarili niya.
Hindi lingid sa kaalaman ni Kisses na inihahanda silang dalawa ni Marco para maging loveteam katapat nila ate Maymay at Edward. Naging crush niya si Marco sa loob ng Bahay ni Kuya at naging matalik na magkaibigan sila lalo na nang lumabas na siya ng bahay. Napansin niya na mas nagiging sweet ang actions ni Marco sa kanya pagkatapos ng PBB. Noong una ay kinikilig siya, ngunit kalaunan ay parang naiilang na siya. Para bang he's being too sweet. Minsan nga ay napapaisip siya kung ginagawa ba ni Marco iyon dahil nagkakagusto na rin siya kay Kisses o dahil sa binubuong loveteam. Either way, narealize ni Kisses lately na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin niya kay Marco. Pero no doubt na si Marco ang pipiliin ng organizer na magiging last dance niya.
Naputol ang kanyang pag-iisip nang may kumatok sa pintuan. Paglingon niya ay pumasok ang mommy at daddy niya. Napangiti ang parents niya nang makita siya at yinakap siya ng kanyang mommy.
"Ang ganda talaga ng baby namin," sabi ni Mommy Carrie matapos mayakap ang unika iha."Syempre. Mana sa'yo," nakangiting tugon ni Daddy Gilbert sabay hinalikan ang noo ng dalaga niya. Tumawa naman si Mommy Carrie habang ngumite si Kisses sa ka sweetan ng parents niya. She aspires to have that kind of love na gaya ng sa parents niya.
Napatingin uli sila sa pintuan ng bumakas ito at pumasok ang manager ni Kisses na si Cap Luz.
"Ang ganda naman ng debutante," sabi ni Cap Luz at nag beso kay Kisses. "Oh, ready na ba tayo for the grand entrance?"
"Nakaready na po ang mga tao sa baba at all set na po lahat," sabi ng isang staff. "Ang debutante nalang talaga ang hinihintay."
"Ikaw Kisses, ready na?" tanong ni Cap Luz.
Huminga ng malalim si Kisses at sumagot, "Opo, ready na po."
"Mauna na kami sa baba," sabi ni Mommy Carrie. "Ready na rin ang panyo ng daddy mo in case umiyak siya pag nakita kang pababa sa staircase," biro niya at tumawa sila. Yumakap uli si Kisses sa parents niya bago sila umalis. Tapos, binaling niya ang atensyon niya kay Cap Luz.
"Kailan po ba ako lalabas?" tanong ni Kisses kay Cap Luz.
"May magbibigay ng cue kung kailan kayo lalabas," sagot naman ni Cap Luz.
"Kami?" naguluhan si Kisses. Akala kasi niya solo entrance ang magaganap.
"Ay oo nga pala," sabi ni Cap Luz. "May kasama kang bababa para sa entrance mo."

YOU ARE READING
Save Your Kisses For Me (DonKiss Fanfiction)
FanficBased on real events delulu because this option won on my twitter poll. If you're a DonKiss shipper like me, then para sa iyo to.