HER POV
"Let's breakup Sera"
Napatulala ako sa kanya. Hindi agad pumasok sa utak ko ang sinabi niya. Why? Why is he breaking up with me? Did I do something wrong? Hanggang ngayon ba di pa rin niya ako kayang mahalin o dahil sa kanya?
"Siya ba ang dahilan Garreth?"
Hindi niya ako sinagot. Instead, he bowed down his head. He can't look at me straight in the eye. In that, I already knew the answer. It's always been her. She's the reason why he's breaking up with me. Ang tanga ko talaga. Alam ko namang si Aina ang mahal niya simula pa lang. I'm just a rebound. Pumayag akong maging girlfriend niya because I love him so much na kahit pagiging rebound niya ay pinatulan ko.
"Okay. If that's what you want. I'm setting you free now Garreth. I hope you'll be happy with her."
Sa pagtalikod ko ay kasabay nito ang pagpatak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Pag-alis ko sa bahay na ito ay ang pag-alis ko na rin ng tuluyan sa buhay niya.
'Tama na Sera. Hindi ka niya mahal. Kahit kailan hindi ka niya kayang mahalin. Tumigil ka na.'
Unti-unti akong naglakad palayo sa kanya. Nang bubuksan ko na ang pintuan ay bigla niya akong tinawag. Agad akong lumingon pero nagulat ako ng agad niya akong sinalubong ng halik. Nakadilat ang mata ko habang siya ay nakapikit. Napapikit ako ng biglang gumalaw ang mga labi niya. Hinayaan ko ang sarili na malunod sa sensasyong dala nito.
'Sige lang Sera. Samantalahin mo na ang pagkakataon na ito. Hayaan mo munang sumaya ang puso mo kahit ngayon lang.'
Napaluha ako dahil alam kong ito na ang huling mahahalikan ko ang lalaking unang nakabihag ng puso ko. Ang lalaking inalayan ko ng lahat ng meron ako. Napahinto siya sa paghalik at tiningnan ako sa mata. Iba-ibang emosyon ang nakikita ko sa mga mata nito. Hindi ko matukoy kung ano ito. Pero kalaunan ay naging blangko ito. Lumayo siya't tumalikod.
"Pakisara na lang ng pintuan pagnakaalis ka na."
Mas lalong bumuhos ang mga luha ko. Hindi man lang niya ako pipigilan. 'Ano ka ba naman Sera? Sino ka ba para sa kanya? Rebound ka lang. 'Di ka importante at mas lalong 'di ka niya mahal.' Umalis na ako ng tuluyan sa bahay niya. Hindi ko na kakayanin ang sakit kung magtatagal pa ako dun.
Siguro nga mas mabuti na ring naghiwalay kami. Pagod na ako. Pagod na pagod na akong magmalimos sa pagmamahal niya. Simula pa lang ay sinabi na niya saking hindi niya ako kayang mahalin dahil may mahal siyang iba at yun ay si Aina. Si Aina na kapatid ko. Tatlo kaming magkakapatid. Panganay si Kuya Ashton pangalawa naman si Ate Aina at ako ang bunso. Mas matanda sakin si Ate Aina ng dalawang taon. Nasa 27 na siya. Si Garreth naman ay 30. Mabait, maalaga at mapagmahal si ate lalo na sa mga bata. Kaya nga siguro mahal na mahal siya ni Garreth eh.
Pareho lang din naman kami ni Ate Aina kaso mas paborito siya ng mga magulang ko. Siguro ay dahil ampon lang ako. Naiinggit nga ako eh lahat na lang ng mahal ko ay siya ang mas mahal pero kahit kailan ay hindi ako nagtanim ng galit dahil lang doon. Siya lang din naman kasi ang nagmamahal sa akin. Kaya nga nakokonsensya ako kung malalaman man niyang minahal ko ang lalaking minahal din niya.
Bakit nga ba naging kami ni Garreth? Ah oo nga pala, umalis nga pala si Ate Aina papuntang Amerika. Iniwan nga pala niya si Garreth para sa kanyang pangarap. That's the time I offered myself as her substitute. Sinabi ko sa kanya na ako na muna hangat di pa bumabaik si Ate. Wala eh. Mahal na mahal ko si Garreth. Tanga ko diba? 'Eto ngayon napala ko. Nasasaktan na ako todo dahil sa katangahan ko.
Saan na ako ngayon? Wala akong mauwian. Kung sa mansyon naman ay alam kong hindi pwede dahil wala si Ate. Wala akong kakampi doon. Kung kay kuya naman baka makadisturbo lang ako. May sariling pamilya na kasi siya eh. Wala akong choice kundi maghotel. Bukas na bukas din ay maghahanap ako ng Condo.
BINABASA MO ANG
After All (One Shot)
Short StorySeraphine Grace Torres is in love with Garreth Garcia. But he doesn't love her. He's in love with her sister, Aina. When Aina left, Sera offered herself as her sister's substitute. Garreth and Sera became a couple. They lived in one roof. She was ha...