"Sabado ng gabi nagkaroon po kami ng group study sa bahay ng kaibigan ko."
I leaned behind my chair, strecthing my hand over, mahaba-habang kwentuhan ito.
"Anong oras kayo nakarating ng bahay nila?"
"11 pm po."
I raised an eyebrow, 11 pm for a group study? "Who's with you?"
"Beatrice, ang may-ari ng bahay, Kyllie, ang bestfriend ko, Jessica and Rose, kaklase namin."
"Are you guys on the same age?"
"Opo sir."
"And then?"
Nagbuntung hininga siya, "Well sir, we did what most college students do."
Ibinaba ko sa aking mesa ang aking mga kamay, "What is it?"
"Uminom po kami, well actually planado po namin-
I interrupt, "Sinong kayo?"
"Ako po at si Kyllie."
"Ang bestfriend mo?"
Tumango siya, "Okay go ahead, continue."
"As what I was saying, planado po namin na uminom dahil bago pa man kami pumunta ng bahay nila Beatrice, may dala na po kami." She confess.
Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ganito pa din ang sistema ng bansa. Not that I actually cared, wala akong balak magpulitiko. What am I saying is napakadali para sa mga kabataan na bumili ng alak. Sa ibang bansa, you have to show an ID para ma access ang mga ganitong bagay. Tsk.
Well, hindi na nga pala minor si Carpa.. Carpathia, yeah that's her name. 19 na siya.
I turn back to her, "Wala ba ang mga magulang ni Beatrice?"
"Wala po, nagkataon na wedding anniversary nila kaya wala sila ng bahay."
"Nagkataon?" I interrogate her.
Tumingin siya sa akin na para bang inaakusahan ko siya. Hindi niya ako kinibo.
"Look, I just want you to be honest.. So?"
"Nagkataon lang po na nagkasabay ang midterms namin sa wedding anniversary nila."
"Okay, so what happened after?"
"Tinext po ni Beatrice ang grupo ni Luke. Kaagad naman po silang dumating."
"Anong oras silang dumating?"
She narrowed her eyes trying to think, "11:45 pm po."
"So are you guys drunk then?"
Kinagat niya ang labi niya.
"Huwag kang mahiya."
"Actually ako lang po ang nakainom, kaya hinatid na ako ni Kyllie sa kwarto ni Beatrice."
"So kung ganoon, hindi mo na naabutan ang pagdating ng grupo ni.. What's his name again Luke?"
"Opo," Sagot niya. "Luke Boromeo."
Familiar ang pangalan niya.
Tingin ko kilala ko siya.
"How is he related to Senator Jouaquin Boromeo?"
Tiningnan niya ako mata sa mata, "Very related po sir, he's the son of Senator Boromeo, at kung papalarin sila, he might be the first son of the republic of the Philippines."
BINABASA MO ANG
The Naked Truth
Mystery / Thriller24-year old Jarvis Calderon, a private investigator. Sa kanyang murang edad, he got all he wanted. Money, fame, success. Binansagan siyang one of the youngest successful investigator dahil wala pa siyang kasong hindi nareresolba. Ngunit biglang duma...