1

28 0 0
                                    

"You're the man Jarvis!"

Of course, kahit na ang assistant ko na si Flavio, nag fafanboy sa akin.

"Nakita mo ba sa news kanina kung gaano kasikat ang pangalan mo? Jarvis Calderon - the youngest successful private investigator."

Seriously, para siyang batang first time makita si Jollibee.

Sumandal ako sa aking office chair, "I know Flavio, I know."

"Galing talaga, paano mo natagpuan ang nawawalang anak ng presidente? I mean, how?"

"Connections."

Tumaas ang kilay niya, "Connections?"

"You heard me Flavio, do I need to repeat that?"

"Tsk, basta libre mo ko. Kahit papaano naman ay may naitulong ako sa iyo."

Computer genius si Flavio. Kung titingnan mo siya, masasabi mong tama ako. Tulad ng mga typical na genius, ganoon ang hitsura niya. Mahaba ang buhok, I wonder nga kung pinapaliguan niya ito. Mahaba rin ang kanyang balbas. Indeed, may problema siya sa hygiene. But - he's a genius.

Maaaring nagtataka kayo kung ano ang pinagsasasabi niya.

Let me get this to you straight.

I'm Jarvis Calderon, 24. Private Investigator.

Kidnapping. Missing person. Affairs. Gambling. Name it. Wala pa akong HINDI nasosolve na kaso.

"Ano mamayang gabi?"

Mapilit si Flavio - at makulit.

"Get your ass out of here now Flavio. You're getting into my nerve. I'll call you later."

Sanay na siya kung paano ako magsalita sa kanya. Kahit na medyo harsh ako, mabait naman ako, at gwapo.

Lumabas ng opisina si Flavio kasunod ng pagpasok ng aking sekretarya na si Joana.

"Sir, meron pong babae sa labas. Gusto po kayong makausap, pero wala po siyang appointment for today. Isang oras na po niya akong kinukulit, papapasukin ko ba?"

Dahil nasa mood ako ngayon, "Sige, papasukin mo."

Babae. Maputi. Sa tingin ko mga nasa 20's. Mahaba ang buhok at balingkinitan.

Umupo siya sa harapan ko.

"How may I help you miss?"

"Sir sa tingin ko may masamang nangyari sa akin."

"Ah huh, tell me more about it."

"I was raped."

The Naked TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon