Chapter 2

9 8 0
                                    

Ngayon palang ang na ho-homesick na ako, sakay kami ng isang van papuntang Manila. Pinagpahinga pa kasi sila kanina dahil ilang oras din ang byahe Maynila papuntang La Union at nandirito rin yung iba pang bisita kung kaya mas lalo akong nailang sa kanila.

"Ikaw pala ang inampon nina Isabel at Gilbert?"wika ng matandang babae na sa tingin ko ay mga nasa 60's.

"O-opo ako nga po iyon?"Naiilang at nahihiya kong sabi bago pa siya magsalita ay nagsalita na si mama

"Lola Cecile, siguro mamaya niyo na lang po siya kausapin pag nandun na tayo sa bahay tsaka mukhang pagod na si Fatima"nakangiting saad ni mama kay Lola Cecile. Bumaling siya sakin at tinanong kung nagugutom na ako pero sumagot ako ng iling.

"Nakalimutan ko nga pala Lola Cecile si Fatima, Fatima si Lola Cecile mo lola ko at mula ngayon tatawagin mo na rin siyang Lola ngayon"pagpapakilala ni mama sakin kay Lola Cecile at isinagot ko naman ito ng tango.

Di ko alam kung bakit tahimik ako ngayon marami pumapasok sa isip ko ngayon, yung tungkol sa pagkatao ko,kung anong mangyayari sa buhay ko sa Maynila,yung mga kasamahan ko bahay-ampunan sila leah,Mother Superior,Mother Sylvia at Mother Odessa. Isang oras pa lang ang nakakalipas nung umalis kami ay namiss ko na sila.

Pagkamulat ng aking mga mata sumalubong sakin ang mga naglalakihang mga gusali na matagal ko nang pinapangarap Mahigit labing apat na oras ang biniyahe namin dahil sa traffic. Nakarating na kami ng ala siete ng umaga sa bahay.

Paglabas ko palang ng sinasakyan namin na van ay namangha agad ako sa aking nakita di ko naman akalain na ganito kayaman ang umampo sa akin. At totoo ba itong nakikita ko!!. Isang napakagandang mansyon na napapaligiran ng magagandang bulaklak sigurado, magugustuhan ni leah ang mga ito mahilig pa naman yon sa mga bulaklak.Pwede na naman siguro pumitas dito ibibigay ko lang naman kay leah pag umuwi ako sa bahay-ampunan.Natigil ang pagkamangha ko ng tinawag ako ni mama.

"Fatima,tara na"masayang wika ni mama

"Opo"saad ko

Pagkapasok ko sa mansyon ay bumugad sakin ang malaking chandelier sa taas, sobrang kintab at maputing sahig na natatakpan ng pulang carpet at ang magagandang muwebles.Napansin ko rin na Spanish style ang mansyon na ito sa bagay nasabi sakin ni leah na Spain nanggaling sina mama at papa pero
Parang wala naman sa pagmumukha nila ang pagiging espanyol? Naputol ang pag iisip ko nang may tumawag saking  matandang baba, mga nasa kuwarenta na siguro.At sa tingin ko may papalit na kay Mother Odessa.

"Pinapatawag ka ni Maam Isabel para sa almusal. Ako pala si Amelia tawagin mo akong Yaya Amelia at huwag kang mag aalala  ganito lang talaga ako mukha lang lang talaga akong masungit"nakangiting wika niya, hayss akala ko talaga masungit siya.Kinabahan ako dun ahhh....

Sumunod ako kay Yaya Amelia sa dining room. Grabe ang laki pala neto, ang daming pasikot-sikot feeling ko tuloy isang linggo pa bago ko makabisado ang pasikot sikot dito. Di bale magpapa tour nalang ako bukas  kay Yaya Amelia. Pagdating namin sa dining room ay langhap ba langhap ko na ang pagkain. Nakaramdam ko ng gutom,oo nga pala di pa pala ako nag aamusal nakalimutan ko na dahil sa namangha talaga ako dito sa mansyon.

Niyaya na ako ni Lola Cecile na kumain. Ang daming pagkain mauubos kaya nila to'

"Napakarami naman pong pagkain marami po ba kayo dito sa mansyon?"wika ko,bago pa magsalita si Lola Cecile ay may bumabang isang babae at lalaki mag kasing edad ko lang.

"Fatima iha, ang mga pinsan mo si Amber at Sky. Amber,Sky  ang magiging pinsan niyo si fatima ang inampon ng tito at tita niyo" pagpapakilala ni Lola Cecile sa magkapatid. Sabay tumingin sakin ang dalawa ngumiti sakin yung Sky pero yung Amber irap ang natanggap ko.

Catch Me If I FallWhere stories live. Discover now