Si crush na Nag bibigay sa akin ng kakaibang saya, sa tuwing ikaw ay aking na sisilayan mula sa malayo, sa tuwing na ririnig ko ang iyong halakhak na tila ba isang huni ng ibon na kay gandang pakinggan.
Bakit nga ba sa dami ng tao sa mundo ikaw lamang Ang Napili ng puso kong nanahimik lamang dati, Kong dati nilalagpasan lamang kita, Kong dati hindi ko pinapansin ang iyong presensiya, kong dati pangalan mo lang ang alam ko sayo, kong dati hindi ako nakakaramdam ng kaba tuwing ikaw ay nasa malapit, kong dati Hindi ko kilala ang iyong likod, ang iyong buhok ang iyong galaw sa tuwing ikaw ay aking natatanaw mula sa malayo, Kong dati isa ka lamang ordinaryong tao sa aking paningin.
Bakit nga ba ikaw ang Napili ng puso ko, bakit nga ba naging espisyal ka sa akin, bakit ba sa tuwing nakikita kita masaya na ako, bakit ikaw pa.?
Bakit ba tumambay ka sa isip ko ng di ko namalayan, hindi ko namalayan na tuwing dumadaan ka sa aking harapan nag e slow mo na para akong mag ti take ng video na ikaw ang bida unti unti napapa tingin na ako sayo, hindi ko namamalayan nag sisimula na palang mata koy hanap hanapin ka. Hindi ko napansin unti unti kanang pumasapasok sa puso ko na nakaka gawa ng kakaibang pakiramdam. Hindi ko namamalayan ikaw na bukambibig ko kong hindi pa ako sinabihan ng aking kaibigan.
Bakit nga ba hindi ko na pansin na ang isang katulad mo Ang syang nag papasaya sa akin tuwing akoy nalulukot, bakit nga ba Ang katulad mo Ang nakaka pag padama ng isang kabang Hindi ko pa naramramdam sa aking buhay.
Madaming tanong na nabubuo sa aking isipan habang tumatagal, mga tanong na sana maka kuha ako ng isang sagot na aking maiintindihan. Mga tanong na sana maaaring makuha sa Google ang sagot. Mga tanong na unti unti nang nagigigng komplekado habang tumatagal. Mga tanong na sana kay dali lamang masagot.
YOU ARE READING
C R U S H
Teen Fiction"Isang maikling pangungusap kong papa Ano uusbong ang isang pag hanga sa taong hindi mo namamalayan siya na ang nagiging dahilan ng ngiti At kislap sa iyong mga mata. Isang taong nag bibigay sayo ng saya sa tuwing iyong nasisilayan mula sa malayo. I...