Chapter 22

8.6K 155 0
                                    

NAKATULALA si Adam habang mabilis na umaagwat sa kanya si Kimi. Hindi siya makapaniwala na iiwan siya nitong mag-isa sa Liberty Park. Lalong hindi siya makapaniwala na aalis na ng Amerika ang dalaga.

"Baka hindi na tayo magkita. Flight ko na bukas."

Ang akala ni Adam ay binibiro lang siya ni Kimi. Pero umalis nga ito at iniwan siya roon.

Hindi siya papayag na umalis si Kimi nang ganoon na lang. Kumilos siya para sundan ang dalaga. Ngunit hindi pa man siya nakakalapit ay nakasakay na ito ng taxi.

Tinawagan niya si Kimi sa cell phone. Hindi na nagri-ring ang cell phone nito. Pumara siya ng taxi. Ilan munang taxi ang dumaan bago may isang huminto sa tapat niya. Doon na sa apartment nina Kimi siya nagpahatid.

Nanlumo si Adam nang walang maabutang tao roon. Saan nagpunta si Kimi ngayon kung totoo ang sinabi ng dalaga bukas ang flight nito?

Naghintay siya sa tapat ng apartment, at habang naghihintay ay paulit-ulit niyang tinatawagan ang numero ni Kimi. Ngunit talagang nakapatay ang cell phone ng dalaga.

Mag-iisang oras nang naroon si Adam nang dumating ang kasamang nurse ni Kimi na si Ate Liza. Nakatanaw ng munting pag-asa si Adam. "Ate Liza, si Kimi, bakit—"

"Nakaalis na siya, Adam," sabi nito hindi pa man siya tapos magtanong. "Hinatid ko siya sa bus terminal. Nabibiyahe na siya ngayon papunta sa New York."

"New York? Bakit ang sabi niya sa akin kanina, bukas pa ang flight niya? Saka bakit bigla na lang na uuwi siya ng Pilipinas?" Nalilito at nagtataka si Adam.

"Nag-resign na siya sa ospital. Kailangan yata ng tagapag-alaga ng tita niyang na-stroke. Sa New York naman siya pupunta ngayon dahil nandoon ang Tita Mary niya. May mga ipapadala raw ito kay Kimi. Sa JFK Airport na siya sasakay ng eroplano pauwi sa Pilipinas. "

Nanlumo si Adam. "Bakit wala man lang sinabi sa akin si Kimi na may plano siyang umalis na rito? Magkasama pa kaming namasyal kanina sa Liberty Park pero wala siyang sinabi sa akin."

"Si Kimi lang ang makakasagot ng tanong mo, Adam."

Adam's Sassy Girl by Dawn IgloriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon