CHAPTER 3

623 38 4
                                    

WALA kaming sinayang na oras ni Tiyo Ambo. Pagkatapos din naming kumain at magpahilan ng aming mga kinain, kaagad rin kaming umakyat ng bundok at muling binaybay ang kagubatan. Hindi ramdam ang init ng panahon dahil sa naglalakihang mga puno.

Libang na libang ang aking mga mata at utak dahil sa aking mga nakikita. Siguro ko ay mahigit dalawang oras kaming naglalakad paakyat ng bundok bago namin narrating ang sinasabing lugar ni Tiyo Ambo.

"Tiyo Ambo, mukhang tahimik talaga ang lugar na ito at ang sarap manirahan," wika ko habang hindi maalis ang ngiti sa aking labi.

Kasalukuyang naabot na namin ang lugar kung saan kami magtatayo ng tirahan. Tila ba nasa loob ako ng paraiso kung saan makikita ang iba't ibang uri ng paru-paro na nagliliparan sa paligid, nakahahaliling huni ng mga ibon at preskong hangin na sasalubong sa iyo.

"Kaibigan, ako ito si Ambo. Maari mo ba kaming ihatid sa tahanang sinasabi nitong nasa mapa?'' wika ni Tiyo Ambo.

Inilahad niya ang mapa at dahan-dahang umikot na tila ba may nakatingin sa kaniya at sa mapa.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang maliliit na liwanag na gumuhit sa mapang hawak-hawak ni Tiyo Ambo.

"Tiyo Ambo, ibig sabihin hindi pa ito ang lugar ng ating pagtatayuan ng bahay?" tanong ko. Hindi nagsalita si Tiyo Ambo at ipinagpatuloy lang ang kaniyang ginagawa.

"Tiyo Ambo," muli kong tawag sa kaniya. Seryuso siyang lumingon sa akin. ''Wag kang maingay, Cesena," wika nito. Tumango na lamang ako at pinagmasdan ang ginagawa ni Tiyo Ambo.

"Huwag kayong matakot, mga kaibigan. Siya si Cesena, ang anak ni Klarisa," ani Tiyo Ambo.

Nabalot ng kaba ang aking dibdib nang makarinig ako ng kaluskos. Ilang sandali pa ay napansin ako ang paggalaw ng dahon ng mga halaman. Bahagya akong lumapit kay Tiyo Ambo at kumapit sa kaniyang damit dahil sa takot.

"Mababait sila, Cesena. 'Wag mo lang silang sasaktan," saad pa ni Tiyo Ambo.

Sa takot, halos mapatili ako nang makita ang paglabas ng isang nilalang.

"Magandang hapon, Binibini. Wag kang matakot hindi ka namin sasaktan kung hindi ko rin kami sasaktan," wika ng isang nilalang sa maliit nitong boses.

''Mabait na bata itong si Cesena, masasabi kong napalaki namin siya ng maayos ni Klarisa," wika pa ni Tiyo Ambo. Dahan-dahan akong sumilip mula sa likuran ni Tiyo para tingnan kung anong uri ng nilalang ang kausap niya.

"Mabuti kung gano'n. Masasabi ko ring napakaganda n'ya at tamang tama, bagay sila ng aking anak," natatawang sabi ng isa pang duwende na sa tingin ko ay isang babae.

Bahagya akong napangiwi dahil sa kaniyang sinabi. Nagtawanan naman sila Tiyo Ambo at ang ilan pang duwendeng kasama nila.

"Binibini, Ambo, tara na sa inyong magiging tahanan," wika ng isa sa mga duwende na halong may pagkatuwa. Tumalikod ito at naglakad na siya namang sinundan ng kapwa nito duwende.

Hinawakan ni Tiyo Ambo ang aking ulo at saka ginulo ang aking buhok. "Tara na, Cesena. Mula ngayon, sanayin moa ng 'yong sarili na makasalamuha ng iba't ibang nilalang lalo na't sa kabundukan tayo maninirahan," saad ni Tiyo Ambo. Tumango lang ako bago tiningnan ang mga duwendeng naglalakad.

Hindi ko mawari ang aking nararamdaman dahil hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na ang mga nababasa kong kuwento sa labas ng Alorynthia ay makakasalamuha ko sa mundong ito.

Binigyan ko lang ng ngiti si Tiyo Ambo at sabay na kaming naglakad para sundan ang mga duwende.

"Binibini,wag kang ngumiti dahil natutunaw ang puso ko,'' sigaw ng isang duwende. Nanlaki ang mata ko dahil sa kaniyang sinabi. Napahinto ako sa aking paglalakad at napatingin sa isang duwende na seryusong nakatingin sa akin.

ALORYNTHIA: The Lost World - [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon