Ikalawang Kabanata

2 0 0
                                    

Malakas na dagungdong ng musika ang sumalubong saamin sa  bayan.Sigawan ng mga taong nasisiyahan sa performance ng bandang nasa unahan.

"Tumabi ka nga!Nakaharang ka sa daraanan ko!"Napapitlag ako ng may isang babaeng sumigaw mula sa likuran ko at ng lingunin ko ito'y masamang tingin ang ipinupukol niya saakin.

"Ano?!Hindi ka pa ba aalis sa daraan ko?!Tatanga ka nalang ba riyan,ha?!"Kunot noong tiningnan ko ang babae.

"Napakalawak ng daanan,bakit hindi ka sa iba dumaan?"

Lalo naman itong nainis sa aking sinabi."Hindi mo ba ako nakikilala?!I'm Syra,the famous vocalist ng pinaka sikat na banda rito sa Pilipinas!"

Nawalan ng emosyon ang aking mukha."Hindi porket sikat ka ay aapihin mo nalang kaming mahihirap,hindi mo rin ba ako nakikilala?"

Tumaas ang kilay nito at namaywang."Sino ka ba?Espesyal na tao ka ba para makilala ng napakarami?"

Deretso akong tumingin sa kanyang mga mata."It's Dyor.Remember my name when the right time comes.You'll surely beg for my forgiveness."

Muli na naman sana itong magsasalita nang may lumapit sa kaniyang isang lalaki na may dalang gitara.

"Pinagtitinginan na kayo.Umayos ka Syra,nasa pampublikong lugar ka."Mariing saad nito sa babae bago humarap sa akin.

"Pasensiya ka na,miss.Mainit lang talaga ang ulo ni Syra ngayon.Mauna na kami."Anito at hinila sa kamay ang bokalista.

Ipinalibot ko ang aking tingin at napagtantong tama nga ang lalaki.Pinagtitinginan na nga kami kanina.Napailing na lamang ako at nagsimulang pumunta sa pwesto ng aking mga kaibigan na masyadong focus sa bandang nasa unahan kaya't wala ng alam sa nangyayari sa likuran.

Nang nasa likuran na nila ako isang napakalakas na pagsabog ang aming narinig at ingay ng mga taong sumisigaw sa sakit at mga taong naguunahang makaalis sa lugar.

Natulos ako sa aking kinatatayuan.

"Melyna!Umalis na tayo rito!"Sigaw ni Deys na nakapag-balik sa akin sa reyalidad.

"Tara na!May mga terorista!"Sigaw ng isang lalaking dumaan sa aming harapan.Nanlaki ang aking mata ng mamataan ang mga armadong lalaking may takip na balabal sa mukha.

Agad kong hinila patakbo si Yinyin at Alexa na hindi makagalaw sa kanilang kinatatayuan."Deys!Tumakbo na tayo!"

Lumuluhang tumango ito at sumabay sa amin ng pagtakbo.Natauhan narin sina Alexa at umiiyak naring tumatakbo paalis sa lugar.

Nang malapit na kami sa sakayan ay may humarang saaming mga lalaki na nakapagpatigil sa amin sa pagtakbo.

Mga terorista.

"Tingin niyo ba'y matatakasan niyo kami?"Itinutok ng lalaking nasa gitna ang kanyang baril sa amin.

Lumakas lalo ang iyak ni Yinyin at nagmamakaawang tumingin sa mga lalaki.

"Please po!Paalisin niyo na kami!Wala naman po kaming ginagawang masama!"

Tumawa ang mga ito."Kung sana'y isinusuko nalang saamin ng inyong gobyerno ang lugar na ito,sana ay wala ng nasasaktan na mga sibilyan."

"Bakit ba kasi kayo nandito?!Mga walang kwentang taong gustong sakupin ang aming lugar!"Muling sigaw ni Yinyin na siyang ikinainis ng lalaki sa gitna at walang pakundangang binaril ito sa kanyang binti.

Agad ko itong dinaluhan.

"Yin!"Ikinalong ko ang kanyang ulo sa aking mga hita.Lumapit naman saamin sina Deys."Alalayan niyo siyang tumakbo paalis sa lugar na ito."

"Ano?!Papaano ka?!Hindi ka namin pwedeng iwan rito,Melyna!"

Umiling ako.Tumututol sa sinabi ni Alexa."Kaya ko ito.Umalis na kayo."

Unti-unti kong itinayo si Yinyin at inilagay naman nina Deys at Alexa ang mga braso nito sa kanilang mag-kabilang balikat.

"No!Melyna!Marami sila!Wala kang laban sa mga iyan!"Tutol ni Yinyin.

Muli akong umiling.Buo na ang desisyon ko.Tumalikod ako sa kanila."Kung makikita niyo sina Papa,iparating niyong mahal na mahal ko sila."

Tumiim ang titig ko sa lalaking nasa gitna.Unti-unti kong tinanggal ang aking contact lenses sa kanilang harapan.Ang mga mata kong bughaw ay tumitig sa kanila isa-isa.

"Isang babaeng may bughaw na mata.Bumubuo ng isang kasunduang lalabanan ko kayo isa-isa ng patas.Walang armas,braso ko laban sa inyong mga braso,binti ko laban sa inyong mga binti."

Narinig ko ang pagtakbo ng aking mga kaibigan.Nilingon ko ang mga ito at ngumiti ng sila'y lumingon rin sa aking gawi.

"Hihingi kami ng tulong,Melyna!Babalikan ka namin!"

Tumango na lamang ako at muling humarap sa mga nagtatawanang terorista.

"Napakaganda mo,tanga ka lang.Isasakripisyo mo ang iyong buhay para lamang sa iyong mga kaibigan?Tingin mo ba'y matatalo mo kaming lahat?Kahangalan."

"Hindi niyo ako kilala kaya't huwag niyo akong maliitin o baka naman..."ngumisi ako sa mga ito."natatakot lang kayong kalabanin ako?"

Nalukot ang kanilang mga mukha.Reverse psychology always works in fools,indeed.

TWILIGHTWhere stories live. Discover now